Inagaw man kayo sa amin
ng mga pasistang uhaw sa dugo
ang buhay na inialay ninyo
ay habambuhay na dadaloy
Sa mga sapa at ilog
na sa dagat tiyak magtatagpo
sa mga bukid, bundok at bato
sa kagubatang muling tutubo
Sa malalawak na palayan
Sa walang hanggang mga niyugan
Sa mga pook na inyong pinalaya
matabang lupa ng himagsikan
Sa mga awit ng pag-aalsa
at maniningning na parangal
sa puso ng bawat mandirigma
sa pusod ng malawak na kanayunan
sa libu-libong tahanan
naging pamilya at kanlungan
Sa ganti ng bawat punglo
Sa katwiran ng bombang dadagundong
Sa lakas na unti-unting iniipon
At hahagupit ng parang bagyo
na sa mga pasista ay lilipol
Alay sa masang sasalubong
Sa minamahal nilang hukbo
Sa paglipas ng mga taon
ng mga siglo at unos
Inyong kadakilaan ay tatagos
Sa diwa ng bawat henerasyon
na magpapasalamat nang taus-puso
sa inyo at sa rebolusyon
Ka Rai, BHB-Eastern Visayas
Enero 2023
___
Ginugunita ng mamamayan ng Eastern Visayas at ng sambayanang Pilipino ngayong araw ang mga martir ng Imelda 6. Ang anim na mga kadre ng Partido Komunista ng Pilipinas at Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan ay napaslang sa pambobombang mula sa himpapawid ng 8th Infantry Division noong kaagahan ng Nobyembre 23, 2022 sa Barangay Imelda, Las Navas, Northern Samar.
The post Parangal sa Imelda 6 appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

