Inilunsad ng Kabataang Makabayan (KM)-Liliosa Hilao ang isang operasyong dikit sa Quezon City nitong Oktubre. Nagpaskil ang balangay ng KM ng mga panawagan sa kabataan na sumapi sa Bagong Hukbong Bayan (BHB) at isulong ang armadong pakikibaka para wakasan ang pang-aapi at pagsasamantala sa sambayanang Pilipino.

Sikretong nagplano at naghanda ang KM-Liliosa Hilao para sa aktibidad. Ilang myembro nito ang itinalaga para sa aktwal na pagpapaskil ng mga panawagan habang mahusay na tinitiyak ang seguridad ng aktibidad laban sa paniniktik at pasistang atake ng rehimeng Marcos.

Ang KM-Liliosa Hilao ay itinatag noon lamang Hunyo. Isa ito sa mga balangay ng KM na sunud-sunod na naitayo sa mga organisasyong masa, alyansa, institusyon sa mga eskwelahan, komunidad, paggawaan, baryo at iba pang may konsentrasyon ng kabataan. Mula nang inilunsad ng buong rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas ang isang kilusang pawawasto, nagsisikap ang KM na palawakin ang hanay at palakasin ang sarili.

Sa darating na Nobyembre 30, gugunitain ng KM ang ika-62 anibersaryo nito mula nang itinatag noong Nobyembre 30, 1964. Isa ito sa mga alyadong organisasyon ng National Democratic Front of the Philippines. Lumalahok ang KM sa pagsusulong ng digmang bayan at nag-aambag ng lakas at suporta sa BHB.

The post Operasyon dikit, inilunsad ng balangay ng KM sa Quezon City appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.