Magiting na nagdepensa ang isang yunit ng Lucio de Guzman Command (LdGC)-NPA Mindoro sa isang labanan sa umaatakeng pasistang tropa ng 1st Infantry Battalion ng Philippine Army at 5th Scout Ranger Battalion ng 203rd Brigade sa Sityo Badyang, Barangay San Roque, Bulalacao, Oriental Mindoro bandang tanghali ng Oktubre 14, 2026.
Nabigo ng yunit ng LdGC ang pang-aatake ng kaaway dahil sa mahusay na paghahanda at pagdedepensa. Koordinadong lumaban ang bawat Pulang mandirigma kaya nagawang pigilan ang papalapit na kaaway.
Ang yunit ng LdGC ay nasa lugar upang magsiyasat sa kalagayan ng mamamayan ng Bulalacao sa kanilang problema sa lupa at magbigay ng serbisyo sa mga masang magsasaka at katutubo. Bago pa man sumapit ang Super El Niño, grabeng init na ang tumama sa Bulalacao na dahilan ng mababang produksyon ng pananim. Bukod pa, malaon na ring inabandona ng estado ang mga katutubong Mangyan sa lugar na kapos sa serbisyong panlipunan.
Ang pag-atake ng mga yunit ng 203rd Brigade at 2nd ID sa lugar ay desperadong pakana para itaboy ang yunit ng LdGC at ilayo sila sa masang anakpawis na nangangailangan ng tulong at serbisyo. Bukod pa rito ang malaon nang papel ng AFP sa pagtatanggol sa mga mapangwasak na proyekto sa Bulalacao. Ang mayamang kabundukan ng Bulalacao ay isa sa mga pinagkukunan ng armour rocks na pinahintulutan ng lokal na gubyerno ng Oriental Mindoro na minahin alinsunod sa naunang ordinansang iniratsada noon pang 2023. Target din ng reaksyunaryong gubyerno na itayo sa mga baybayin at dagat ng Bulalacao ang mga proyektong offshore wind farms na tiyak na makakaapekto sa kabuhayan ng lokal.
Samantala, dahil sa kabiguan nilang bigwasan ang yunit ng NPA, pataksil na binalingan ng AFP ang sibilyang populasyon. Isa itong malaking karuwagan sa panig ng AFP na nagpapakita ng desperasyon nitong kamtin ang target na malipol ang yunit ng NPA sa isla. Sa kurso ng labanan, inaresto ng mga militar si Miguel Magbato, isang magsasaka sa lokalidad. Iligal siyang ipiniit sa isang safe house at tinortyur at sinampahan ng mga gawa-gawang kaso. Nagpapatuloy din ang pananakot at intimidasyon sa buong barangay ng San Roque at mga karatig na perwisyo sa buhay at kabuhayan ng mga magsasaka.
Sa harap nito, lalong tumitibay ang paninindigan ng LdGC na paigtingin ang armadong pakikibaka para sa mga magsasaka ng Bulalacao at buong Mindoro upang depensahan ang lupa mula sa mga gahamang panginoong maylupa at burgesya komprador at ipagtanggol ang mamamayan sa berdugong AFP-PNP. Makakaasa ang malawak na mamamayang Mindoreño na patuloy na isusulong ng mga Pulang mandirigma ng NPA Mindoro ang demokratikong rebolusyong bayan hanggang sa huling hininga. Ubos kaya itong magpapalakas at magsusulong ng armadong pakikibaka para wakasan ang mapang-aping sistema.
The post Atake ng AFP sa NPA-Mindoro sa Bulalacao, Oriental Mindoro, binigo appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

