Mahigit 100 myembro ng Kabataang Makabayan (KM) ang nagmartsa sa kahabaan ng Recto Avenue sa Maynila noong Oktubre 10 para batikusin ang ilulunsad na ASEAN Summit at pagdating ni US Pres. Donald Trump sa bansa sa Nobyembre. Ang mga kalahok sa martsa ay mula sa mahigit 10 balangay ng KM at mga alyado nito mula sa Liga ng Agham para sa Bayan (LAB).
Isinagawa ng KM ang isang maiksing programa sa tapat ng Isetann sa Recto Avenue. Isang malaking balatengga ang iniwan at isinabit ng grupo sa pagtatapos ng programa. Namahagi rin ang mga myembro ng KM ng mga kopya ng pinakahuling isyu ng Kalayaan, pahayagan ng grupo.
Nakatakdang bumisita si Trump sa Pilipinas sa Nobyembre 16, kasabay ng ASEAN Summit. “Sa paparating na ASEAN summit sa Nobyembre, bubuksan din ni Marcos Jr ang ating tarangkahan sa mamamatay-tao at pinunong imperyalistang mandaragit na si Donald Trump,” ayon sa KM.
Anang grupo, ang pagdating ni Trump sa bansa ay mangangahulugan ng mas malalang pagpapakatuta ng Pilipinas sa imperyalismong US. Dagdag ng KM, nagkukumahog ang rehimeng US-Marcos na magsilbi sa pang-uupat ng imperyalistang gera at lalong paghigop ng US sa likas na yaman ng Pilipinas.
Sinasalamin ito ng pag-aalay ni Ferdinand Marcos Jr sa bansa para sa gamit ng “economic and security hub” sa Tarlac sa ilalim ng Pax Silica, mga riles sa ilalim ng Luzon Economic Corridor, at pati na mga minahan mula Nueva Vizcaya, Mindoro, Romblon, Samar, hanggang sa Caraga at Saranggani. “Walang hanggan ang kasahulan mo at ng imperyalistang US!” pahayag ng KM.
Sa harap ng lalong umiigting na krisis ng lipunang malakolonyal at malapyudal, lalo ring tumitingkad ang pagiging makatwiran ng rebolusyonaryong karahasan ng taumbayang sumisiklab ang galit sa tuta, tulisan, at teroristang sistema, ayon sa KM. “Buong-tapang nating iginigiit na wala nang ibang landas tungo sa lipunang walang pagsasamantala kundi ang tuluyang patalsikin at durugin ang estado at palitan ito ng tunay na gubyerno ng mamamayan,” anito.
Nanawagan ang KM sa kapwa kabataan at sa sambayanang Pilipino na sumapi sa Bagong Hukbong Bayan (BHB) para tumangan ng armas at isulong ang matagalang digmang bayan. “Asahan ninyong laksa-laksang kabataan ang tatangan ng armas. Mga hamak lamang kayong tigreng papel at ang apoy ng rebolusyon mula sa galit ng taumbayan ang tutupok sa inyo,” ayon sa KM.
The post Raling-iglap sa Maynila, inilunsad ng KM isang buwan bago ang pagdating ni Trump sa Pilipinas appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

