Ang video ay inilabas ng raw at buo ng NAAC-NPA-Rizal bilang paggunita sa ala-ala ng ating magiting na pulang kumander sa unang taon ng kanyang pagkamartir.

Ito ay interview kay Ka Sy noong 2024 panahon na ginagamit ng mga kaaway sa pangunguna ng 80th IBPA ang kanyang pamilya upang siya ay pababain at pasukuin. Nariyan ang pagpapanawagan sa publiko na pinababa na nila si Ka Sy at ang sukdulang panliligaw ng isang sundalo sa noon ay menor de edad pang anak na babae ni Ka Sy.

Naglalaman ang video ng kanyang matapang na pagharap at pagsagot sa kaaway sa ginagawang harasment sa kanyang pamilya at kung bakit sya ay nanatili sa Bagong Hukbong Bayan dahilan sa kawastuhan ng linyang pampulitika nito na tanging sa demokratikong rebolusyong bayan mawawakasan ang paghihirap ng sambayanang Pilipino sa ilalim ng Imperyalismong US, Pyudalismo at Burukrata Kapitalismo.

Download

The post Ka Sy/Boyong Jordan Mopon 1st Death Anniversary Video Tribute appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.