Pumalo sa pinakamataas na antas sa loob ng tatlong taon ang inflation rate para sa pinakamahihirap na pamilyang Pilipino noong Setyembre 2026, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) at pagsusuri ng research group na IBON Foundation.
Pumapalo sa 9% ang implasyon para sa pinakamababang 30% ng mga pamilyang Pilipino, na pinakamataas mula nang naitala ang 9.7% na tantos noong Pebrero 2023. Ibig sabihin, pinakapumapasan sa nagtataasang presyo ng bilihin at singil ang mahihirap na pamilya at inutil ang rehimeng Marcos na ibsan ang kanilang pagdurusa.
Noong Setyembre, muling pumalo ang presyo ng mga produktong petrolyo sa pinakamataas nito dulot ng panibagong bugso ng agresyon ng US laban sa Iran. Umabot sa $103 kada bariles ang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado sa katapusan ng Setyembre. Mula nang salakayin ng US ang Iran, umabot na sa ₱77.25/litrp ang netong itinaas ng gasolina, at ₱70.13/litro naman sa diesel. Sa kabila nito, hindi iniaatras ng rehimen ang mga nakapatong na buwis dito na lalong nagpapalobo sa nagtataasang presyo.
Resulta ng walang awat na pagtaas ng presyo ng langis ang nagtataasang presyo ng batayang mga bilihin. Kumpara Setyembre noong nakaraang taon, tumaas ang presyo ng bigas mula ₱40 kada kilo tungong ₱50 ngayong Setyembre 2026. Tumaas din ang presyo ng mga gulay, isda, pati na rin ang singil sa kuryente at LPG.
Tinatayang nasa 21.4 milyong mahihirap na pamilya o mahigit 96 milyong Pilipino ang direktang apektado ng krisis na ito. Giit ng IBON, nananatiling kulang at panandalian lamang ang mga ayuda ng rehimen. Malayo pa rin ang pambansang abereyds na minimum na sahod na ₱518 sa tinatayang national average living wage na ₱1,319 para sa isang pamilyang may limang myembro.
The post Mataas na tantos ng implasyon, iniinda ng mahihirap na pamilya appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

