Nanawagan ng dayalogo sa mga lider ng lokal na gubyerno ng Cebu ang mga magsasaka at maliliit na mangingisda. Nais nilang talakayin sa mga upisyal ang kanilang dinaranas na hirap bunga ng tagtuyot at mainit na panahon kaugnay ng penomenong El Niño.

Noong Oktubre 6, nagsumite ng sulat sa kapitolyo ang noong Oktubre 6 ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Kahugpungan sa Nagpakabanang Mag-uuma sa Tersero Distrito-Sugbo at ang Panaghugpong sa mga Gagmayng Mananagat sa Sugbo para sa hiling na dayalogo. Pinadalhan nila ng rekwes si Cebu Gov. Pamela Baricuatro at ang mga upisyal ng Sangguniang Panlalawigan.

Nagsimulang maramdaman ang epekto ng El Niño sa Pilipinas noong Hunyo. Simula Setyembre, idineklara ang Super El Niño na magdadala ng mas matinding init at kakulangan ng ulan sa bansa. Inaasahan itong magtatagal hanggang unang hati ng 2027.

Bunga nito, iniulat ng mga magsasaka ng Cebu ang pagkamatay ng kanilang pananim sa bukid. Nakararanas naman ng pagkaunti ng huling isda at lamang dagat ang mga mangingisda dahil sa init ng panahon.

Sa prubinsya, pinakamalubha na ang epekto ng tag-init at kakulangan ng ulan sa mga bayan sa ikatlong distrito at sa maliliit na mga isla. Dagdag pahirap rin sa kanila ang napakataas na presyo sa produksyon kabilang ang petrolyo na ginagamit sa irigasyon at transportasyon, mahal na pataba at iba pang input sa produksyon.

Nais maaksyunan ng mga magsasaka at maliliit na mangingisda ang mga usaping ito laluna at may inilaang ₱200 milyon para sa paghahanda sa epekto ng El Niño ang lokal na gubyerno. Hiling nila ang agarang pagtugon sa dayalogo ni Baricuatro at iba pang upisyal ng prubinsya.

The post Dayalogo sa kapitolyo, panawagan ng mga magsasaka at maliliit na mangingisda ng Cebu appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.