Maliban sa dalawang magkasunod na aksyong militar, naglunsad ulit ng reyd at dis-arming ang yunit ng Roselyn Jean Pelle Command-NPA ng Northern Negros Guerrilla Front sa Barangay Paitan, Escalante City noong Setyembre 29, 2026. Kinilala ang dinis-armahan na si Reymart Marquiz, isang drug pusher ng nasabing lugar.

Nakumpiska mula kay Marquiz ang isang baby M16 na may isang magasin at 21 pirasong bala, .45 na pistola na may dalawang magasin at 52 pirasong bala, at isang ingram na may dalawang magasin at 45 pirasong bala. Ginawa ang reyd at dis-arming sa kadahilanan na ginagamit niya ito para mapadali ang kanyang ilegal na negosyo at inirereklamo na ng masa ang talamak na paggamit ng iligal na droga sa lugar. Mahigpit din siyang binalaan ng NPA na tumigil na sa pagbebenta ng iligal na droga at mamuhay nang disente at walang inaapakan na karapatan.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang paggamit ng droga ay isa rin sa mga nakapagpapataas ng kriminalidad sa lugar. Mas lumalaganap ang pagnanakaw, panggagahasa, pambubugbog sa asawa, pang-hoholdap at iba pang mga anti-sosyal na mga aktibidad. Malinaw ang tindig ng NPA laban sa droga kung kaya’y kagyat natin na ginagawan ng hakbang ang mga reklamo ng masa ukol rito.
Muling nagpapasalamat ang BHB sa mga masang walang tigil na sumusuporta sa rebolusyonaryong kilusan na siyang dahilan kung bakit ang Partido at ang Hukbo ay hindi matalo-talo mula noon hanggang ngayon.
The post Drug pusher, dinis-armahan ng RJPC-NPA appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

