Mariing kinundena ng Katribu-Kalipunan ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas, ang pambubugbog ng mga elemento ng 4th IB sa isang katutubong Mangyan-Hanunuo noong Setyembre 21 sa Barangay Waygan, Mansalay, Oriental Mindoro. Hinalughog pa ng mga sundalo ang kanyang tahanan at tinakot ang kanyang pamilya.

Kinundena rin ng grupo ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa bigong pagprotekta nito sa biktima. Anito, sa halip na tiyakin ang kanyang kaligtasan at itulak ang pananagutan sa mga sangkot, hinikayat pa ang pamilya na makipag-areglo sa mismong mga inirereklamong nangbugbog, nanghalughog sa kanilang tahanan, at nanakot sa kanila.

Ayon sa grupo, pinapakita ng naturang insidente kung paano ginagamit ang red-tagging upang bigyang katwiran ang panggigipit at militarisasyon ng mga pamayanang Katutubo.

Ngayon buwan ng Katutubo, binibigyang diin ng grupo ang panawagang itigil ang militarisasyon sa komunidad ng mga katutubo, palayasin sila sa mga lupang lupaing ninuno at igalang ang karapatan ng mga katutubo na mamuhay nang mapayapa, ligtas, at may dignidad sa kanilang sariling lupain.

The post Katutubong Mangyan, binugbog ng mga sundalo ng 4th IB appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.