Hindi kasapi ng New People’s Army (NPA) ang 16 kataong ipinalabas ng 8th Infantry Division at Police Regional Office (PRO)-8 na mga sumuko sa kanila kamakailan. Mga magsasaka sila na dapat iginagalang ang mga karapatan bilang mga non-combatant sa ilalim ng internasyunal na makataong batas o IHL.
Sinabi ng 8th ID sa kanilang pahayag na walong diumano’y kasapi ng NPA sa Northern Samar, na tinagurian nilang “huling balwarte” ng rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon, ang sumuko sa kanilang mga tropa. Walo rin umano ang pinasuko ng PRO-8. Ni isa sa kanila ay wala sa aktibong serbisyo sa NPA sa panahon ng “pagsuko.”
Ang mga balita ng “pagsuko” ay hungkag din tulad ng mga deklarasyon ng “stable internal peace and security condition” sa 19 bayan sa Northern Samar, pinakahuli ang Palapag at Gamay. Kasalukuyang kumikilos ang NPA hindi lamang sa Northern Samar kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng Eastern Visayas. Nagsasagawa ito ng gawaing rekoberi at ekspansyon upang tulungan ang masa na muling buuin ang kanilang organisadong lakas, biguin ang militarisasyon, at maisulong ang digmang bayan. Kaya naman ay nakapaglulunsad ito ng mga taktikal na opensiba tulad ng ginawa nito sa Baybay City, Leyte noong Setyembre.
Hindi dapat agad na maniwala ang publiko sa ganitong mga hungkag na pahayag ng AFP at PNP.
The post Hindi kasapi ng NPA ang mga pinasuko ng 8th ID at PRO-8 appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

