Matagumpay na nireyd ng Roselyn Jean Pelle Command-New People’s Army (RJPC-NPA) ang opisina ni Atty. Klint Aranas nitong Septyembre 22, 2026 bandang alas 5:30 ng umaga sa Sitio Ma-aswa, Barangay Gen. Luna, Toboso. Dinis-armahan ng mga Pulang mandirigma ang mga goons ng nasabing despotikong panginoong may lupa. Nakumpiska mula sa kanila ang isang M4, isang Micro Galil, at isang KG9.

Kilala ang pamilya ni Atty. Klint Aranas na sangkot sa pagsasamantala sa mga magsasaka sa lugar ng Northern Negros. May kaso sila ng pangangakam ng lupa at panghaharas sa mga magsasaka gamit ang mga private army.

Inilunsad ang taktikal na opensibang ito bilang paggunita at pagbigay hustiya sa mga biktima ng Escalante Massacre, Martial Law sa kapanahunan ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr, at maging ang mga biktima ng Sagay 9 at Toboso 19 masaker. Nagsisilbi rin itong simbolikong pagkundena sa mga karahasan ng pasistang estado noon man hanggang ngayon.

Lubos din na nagpapasalamat ang NPA sa mga masang walang takot at walang sawang sumusuporta sa rebolusyonaryong kilusan para magtagumpay ang paglulunsad ng mga taktikal na opensiba. Patunay lamang ito na ang NPA lamang ang tanging tunay na hukbo na sasandigan ng magsasaka para labanan ang mga mapagsamantalang mga panginoong maylupa.

Mabuhay Ang Bagong Hukbong Bayan!
Sagot Sa Martial Law, Digmang Bayan!
Paigtingin At Ipagwagi Ang Digmang Bayan!
Mamamayan Sumapi Sa NPA!

The post Despotikong panginoong maylupa, nireyd ng RJPC-NPA appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.