Ginunita ng mga Pilipinong migrante at imigrante sa pamamagitan ng mga protesta at aktibidad ang ika-54 anibersaryo ng pagdedeklara ng Martial Law noong Setyembre 20 at 21 sa iba’t ibang panig ng mundo. Pinangunahan ang aktibidad ng Migrante at Bagong Alyansang Makabayan.

Sa US, naglunsad ng protesta sa harap ng konsuladao ng Pilipinas sa New York City. Bahagi din ang protesta sa “No to War and Plunder Week Of Action” ng Bayan USA. Nasa New York sina Ammbassador Romualdez, DFA Secretary Tess Lazaro at DENR Chief Juan Miguel Cuna para sa UN General Assembly upang higit pang ibenta ang Pilipinas sa mga dayuhan. Nagtayo naman ng community altar at art installation sa labas ng konsulado ng Pilipinas sa Seattle, Washington State.

Sa Canada, naglunsad ng educational discussion sa pangunguna ng Bayan Toronto at Malaya Movement in Canada sa Spadina Avenue, Toronto. Gumawa naman ng live exhibit ang Anakbayan Montgomery County sa Montgomery College Rockville Campus.

Sa Europe, nagprotesta sa Parco Piazza, Virtorio, Rome, Italy ang mga progresibong grupo mula sa Bayan Germany, ALPAS Pilipinas, Gabriela Germany, Migrante Hamburg at Anakbayan Alemanya.

Sa Australia, nagprotesta ang mga grupo sa Sydney Town Hall, Sydney at Victora State Library, Melbourne. Maglulunsad naman ng online forum ang Migrante Perth sa Setyembre 26.

Sa New Zealand, naglunsad ng protesta ang mga progresibong grupo sa Tamaki Maurau (Auckland).

Sa Asia, naglunsad ng ng protesta ang Migrante HongKong sa labas ng konsulado ng Pilipinas, kasunod nito ay nagprotesta ang Bayan Hong Kong sa labas ng konsulado ng US bilang pagkundena sa planong itatayo na Pax Silica sa Pilipinas. Dahil sa banta ng bagyo, nakansela ang planong pagkilos ng Migrante Japan sa Roponngi Crossing, Tokyo. Sa halip naglunsad sila ng online discussion. Naglabas naman ng pahayag ng pakikiisa ang Kalipunan ng mga Bagong Bayani (Kabayan-Japan).

The post Ika-54 anibersaryo ng Martial Law, ginunita sa iba’t ibang bansa appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.