Nagtayo ng barikada ang mga residente ng Barangay Yabbi, Dupax Del Norte, Nueva Viscaya noong Setyembre 17 nang mapag-alaman nila na sa barangay nila balak idaan ng North Luzon Mineral Resources Corporation (NLMRC) ang kanilang krudo at materyales. Ilang beses nang nagtangka ang kumpanya na ipasok ng kanilang gamit sa Barangay Pao, Kasibu ngunit matagumpay itong nahaharang ng mga residente.

Tulong-tulong ang mga residente sa Yabbi sa pangunguna ng mga upisyal ng barangay sa pagtatayo ng barikada.

Noong Setyembre 4, naglabas ng resolusyon ang barangay na tumututol sa lahat ng porma ng pagmimina at mineral exploration sa kanilang barangay at na sinusuportahan nito ang tindig ng mga residente laban sa pagmimina.

Kasalukuyang may nakatayong barikada ng mamamayan sa Barangay Pacquet, Kasibu, Nueva Viscaya upang pigilan ang planong eksplorasyon ng NLMRC.

Sasaklawin ng eksplorasyon ng kumpanya ang 4,456 ektarya ng lupain ninuno ng mga katutubong Bugkalot/Ilongot sa barangay Pacquet, Biyoy, Dine, Catarawan, Kakidugen at Pao. Ginto at copper ang plano nitong minahin sa lugar.

The post Panibagong barikada, itinayo sa Dupax del Norte appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.