Matagumpay na naisagawa ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang operasyong haras laban sa mga pasistang tropa ng 93[rd] IB noong Setyembre 10 sa Barangay Caridad, Baybay City, Leyte bandang alas-6 ng gabi. Tatlong sundalo ng militar ang kumpirmadong namatay samantalang walang kaswalti ang Pulang hukbo.

Ang atritibong aksyon ng BHB ay pagbigo nila sa pursuit operations ng 93[rd] IB kasunod ng kanilang kontra-ambus noong Setyembre 8 sa parehong baryo. Bagaman totoong namartir sa labanang ito ang Pulang mandirigmang si Erwin Maceda (Ka Romnik), hindi totoong may nakumpiska mula sa kanya na ripleng M-16. Patuloy ang modus na “tanim-baril” ni Brig. Gen. Pompeyo Jason Almagro, kumander ng 802nd Infantry Brigade, para maghabi ng kasinungalingan lalupa’t mula sa unang sagupaan ay apat na tropa na nila ang namatay. Wala naman lamang silang paggalang sa pamilya ng mga nasawi para isapubliko ang kinahinatnan nito sa ngalan ng buhong kontra-rebolusyonaryong gyera.

Sinasaluduhan namin ang mapangahas na paglulunsad ng opensiba ng yunit ng BHB. Isinagawa nila ito sa gitna ng ilang buwan nang focused and sustained military operations sa mga baryo sa Baybay at kalapit na Ormoc City, Albuera, Burauen, Jaro at Carigara. Hindi nila ito magagawa kung hindi nila natatamasa ang malalim na balon ng suporta ng masa.

Dapat tularan ito ng ibang yunit sa pamamagitan ng mahigpit na pagtangan sa taktikang gerilya, pabigwasin sa hangin ang kaaway, at itaboy ang kanilang mga tropa sa mga sona at larangang gerilya.

Mabuhay si Ka Romnik! Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!
Panghawakan ang gerilyang taktika, biguin ang FSMO ng kaaway!

The post Pulang saludo sa pagpupunyagi ng BHB sa Baybay, Leyte! appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.