Lubhang apektado sa nagdaang mga bagyo at habagat ang probinsya ng Rizal nitong mga nakaraang Linggo. Pinapalala pa ito ng mga mapanirang proyekto ng mga burukrata kapitalista at malalaking burgesya-komprador sa kabundukang Sierra Madre na nag-resulta sa malakihang pinsala sa buhay at kabuhayan ng mamamayang Rizaleño at mga katutubong Dumagat-Remontado. Sa kabila nito, walang kumpensasyong natatanggap ang mga biktima ng sakuna mula sa reaksyunaryong gubyerno, maging sa mga proyektong sumisira sa kalikasan.

Ang mga renewable energy projects (REPs) sa Sierra Madre ang pangunahing dahilan ng matinding pagbaha sa probinsya ng Rizal. Tadtad ng mga wind turbines ang kabundukan ng Tanay, Pililia, at sa Isla ng Talim. Tinabunan naman ng solar farm ang kabundukan sa Baras. Nariyan din ang mga dambuhalang dam katulad ng Wawa-Violago sa Montalban at Kaliwa-Kanan-Laiban sa Tanay na nagpapalubog pang lalo sa mga komunidad kapag may bagyo. Kahit tumututol ang mamamayang Rizaleño sa ibayong pagsira sa kabundukan, hindi na nawala at lalo pang dumami ang mga proyektong sumisira sa kalikasan, buhay at kabuhayan sa probinsya.

Habang nagpapasasa ang malalaking kapitalista at reaksyonaryong gubyerno ni Marcos Jr. sa yaman ng Sierra Madre, libo-libong mamamayan at mga kabataang Rizaleño ang nalubog sa baha, nasira ang mga bahay at ari-arian, at hindi nakapagtrabaho o nakapasok sa mga paaralan. Imbis na paglaanan ng budget ang sektor ng edukasyon, at serbisyong panlipunan na matagal nang pinagkakaitan ng pondo, napupunta ang pera ng taubayan sa kurapsyon sa porma ng mga maanomalyang flood control projects at nagdadala pa ng peligro sa mamamayan.

Ang bulok na sistemang umiiral ang nagmumulat sa maraming kabataan upang lumaban at isulong ang pagbabago. Alam ng mga kabataan na matatanggal lang ang ugat ng kurapsyon sa pagpapabagsak sa Imperyalismo, Pyudalismo, at Burukrata-Kapitalismo sa ating lipunan. Upang makamit ito, nakikiisa ang mga kabataang Rizaleño sa Demokratikong Rebolusyong Bayan, tatahakin ang landas ng armadong pakikibaka, at sasapi sa Bagong Hukbong Bayan!

Katulad din si Jordan “Ka SY” Mopon sa maraming kabataang Rizaleño na namulat sa kahirapan. Mula sa pamilya ng mga magsasaka, nakita nya kung papaanong kinakamkam ang lupang sakahan at kinakalbo ang mga kabundukan para magtayo ng mapanirang proyekto sa kanilang komunidad, na syang nag-udyok sa kanya upang maging mapangahas na sumapi sa NPA at maging magiting na mandirigma ng Sierra Madre at ng masang inaapi.

Nananatili ang diwa ni Ka SY sa maraming kabataang Rizaleño na namumulat at lumalaban sa mga nagpapahirap sa mamamayan. Hanggang nananatili ang pangangamkam sa lupa, at matinding mga sakuna dulot ng pagkasira ng mga kabundukan, aasahan ng reaksyunaryong gobyerno na mag-aalsa ang mga kabataan, kasama ang malawak na hanay ng mamamayan para baguhin ang lipunan.

SUNDAN ANG YAPAK NI JORDAN “KA SY” MOPON, IPAGTANGGOL ANG MASANG API AT SIERRA MADRE, AT SUMAPI SA BAGONG HUBKBONG BAYAN!

The post Kabataang Rizaleño, ilantad ang tunay na dahilan ng pagbaha sa ating probinsya! Panagutin ang administrasyong Marcos Jr na nagpapahirap at pumapatay sa mamamayan! appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.