Kinundena ng The Good Samaritan at Bicol Movement for Disaster Response (BMDR) ang tangkang pagpigil ng mga elemento ng 42nd IB, 9th ID at PNP sa relief drive operation (RDO) nito sa Barangay Lukbanan, Capalonga, Camarines Norte noong Agosto 15.
Naglunsad ng RDO ang mga grupo upang makapaghatid ng pagkain at tulong sa mga residente ng Brgy. Lukbanan na patuloy na nakararanas ng epekto ng Super El Niño.
Sa loob ng ilang araw, nakararanas ng pagmamanman, intimidasyon at iligal na pagkuha ng kanilang mga larawan ang mga myembro ng The Good Samaritan at BMDR. Sa kabila nito, patuloy na naninindigan ang mga grupo sa kanilang paghahatid ng serbisyo sa mga komunidad na nangangailangan.
Isinagawa ang aktibidad na may kaukulang pakikipag-ugnayan sa kapitan ng barangay. Pero iginigiit ng PNP at AFP a hindi sila nagbigay ng pahintulot dito.
Labis na ikinabahala ng mga grupo ang ulat na isang person with disability ang inutusan at nilinlang ng mga militar upang kumuha ng larawan at video sa mga nagsasagawa ng RDO.
“Sa panahon ng sakuna, hindi krimen ang pagtulong sa kapwa at hindi dapat harangan ang mga nais tumulong,” ayon sa the Good Samaritan at BMDR.
The post Pamamahagi ng relip sa Camarines Norte, tinangkang pigilan ng AFP at PNP appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

