Alalahanin at pagpugayan natin ang magiting na rebolusyonaryong diwa ni Kasamang Ken/Aki na namartir noogng ika-4 ng Agosto 2026, kasama ang dalawang pang pulang mandirigma sa Licuan Baay, Abra sa gitna ng labanan sa pagitan ng kanyang yunit at ng mga sundalo ng 50th Infranty Defender Battalion at 98th Masinag Batallion ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Si Kasamang Ken/Aki o Eugene Hilaus siya ay ipinanganak noong May 4, 2000 sa Quezon City at nagmula sa mababang saray ng Petiburgesya. Siya ay naging aktibong organisador ng kabataan noong nasa kolehiyo. Bagama’t hindi nanggaling sa sektor ng pambansang minorya, mabilis na naunawaan ni Ka Ken/Aki ang pambansang pang-aapi sa mga katutubo’t moro. Mula rito ay naging masigasig siya sa pag adbokasiya para sa karapatan ng pambansang minorya at ng buong mamamayan. Sa paglubog niya sa sektor, nakita at naranasan niya ang araw-araw na dinaranas na hirap ng pambansang minorya, dahil dito ay mas lumalim ang kagustuhan nya na lumaban sa tabi ng mamamayan.
Taong 2017, tumungo si Ka Ken/Aki sa isang komunidad sa probinsya, dito ay naging masigasig siya sa pag organisa sa hanay ng mga kabataan, magsasaka, jeepney drivers, at marami pang iba. Sa araw-araw na pakikimuhay nya, nakita niya ang lumalalang krisis na patuloy na naglulubog sa mga magsasaka sa hikahos at paghihirap.
Nakita niya na ang mga magsasaka ng Tabako ay maliit lamang ang kinikita kahit sa kabila ng lumu-lubo nilang gastos sa produksyon, habang ang mga malalaking kompanya at traders ay naguuwi ng bilyun-bilyong kita na nagmumula sa pawis at dugo ng mga magsasaka. Nakita niya na nananatiling hindi libre at aksesable ang edukasyon, na dagdag pahirap sa mga mahirap na pamilya na binabaon ng mga patuloy na krisis. Nakita niya na ang mismong mapagsamantalang sistema at kasalukuyang gubyerno ang pumapayag sa patuloy na pangdadambong sa kalikasan at lupang ninuno ng mga katutubo’t moro. Nakita niya na nagpapatuloy na bingi ang estado mula sa mga tunay na hinaing at panawagan ng mamamayan, bagkus ay laging karahasan ang nagiging sagot ng estado at pinapanguna ang interes ng iilan.
Dahil dito, noong December 2018 ay pinili ni Ka Ken/Aki na maging bahagi ng rebolusyunaryong armadong pakikibaka at sumampa sa Bagong Hukbong Bayan. Sa bulubundukin ng kordilyera, tinahak ni Ka Ken/Aki ang rebolusyonaryong landas upang magsilbi sa mga Kaigorotan. Sa bawat komunidad na nakasalamuha niya, kinikilala siya bilang magiliw at masayahin na kasama.
Ayon sa mga masa at kasama, hindi mahirap pakitunguhan si Ken/Aki. Hindi naging sagka ang lenggwahe sa kanya, bagkus ay seryoso niya itong inaral bilang bahagi ng kaniyang seryoso din na kagustuhan na makapagsilbi sa mamamayan ng kordilyera. Siya ay naging mahusay na guro, kaibigan, anak, kasama, at rebolusyonaryo. Sa kabila ng tumitinding krisis ng lipunan ay mas higit lamang din na tumindi ang kaniyang paninindigan para sa kaniyang rebolusyonaryong hangarin na pagsilibihan ang mamamayan.
Naging malaki ang papel niya sa gawaing kultural, masigasig syang nagpapartisipa sa pagbibigay ng mga kultural na pagsasanay sa hanay ng mga kabataan. Malaking iniambag din ni Ka Ken/Aki ang kaniyang kahusayan sa pagdrawing, isa siya sa mga naging kontribyutor sa Dangadang. Sa kagustuhan din na maipalaganap sa mamamayan ang mga isyu ng Ang Bayan, isa siya sa mga nagddrawing muli sa papel ng mga editorial cartoon, kaya hindi naging sagka ang kawalan ng printer sa kanayunan dahil sa mga tulad niya.
Nagpakahusay din siya sa gawaing militar, kahit na may minsang pag-alangan sa kaniyang kakayahan mamuno dahil sa batang edad, matapang niyang hinarap ang ito at hindi naging sarado sa pagunlad, at nagpapatuloy na kagustuhan na manatili sa hukbo.
Bilang galing sa uring petiburgesya, hindi ihiniwalay ni Ken/Aki ang sarili niya sa masa. Walang sawa siyang nagtatanong at walang sawa niyang pinag-aralan ang iba’t-ibang paraan/sistema sa gawain sa bukid at iba pang paraan ng pagpproduksyon.
Ang pagkamartir ni Kasamang Ken/Aki ay kasing bigat ng bundok Kordilyera, ang mga katulad niya ay hindi makakalimutan at habang buhay na pagpupugayan ng rebolusyonaryong kilusan at buong mamamayan. Kahit ano mang pag-aalimura ng mapagsamantalang estado, hindi nila kahit kailan mabubura ang makabuluhang ambag niya.
Pamarisan natin ang naging buhay at pakikibaka ni Ka Ken/Aki! Inspirasyon siya sa mga tulad niyang nagmula sa sektor ng kabataan na tinalikuran ang sabi nilang dapat ay mas marangyang pamumuhay.
Ang buhay ni Ka Ken/Aki ay malinaw na patunay, ang kabataan ay handang magalay ng buong lakas, panahon, talino, at maging buhay sa ngalan ng pagwawakas sa pagsasamantala at paghahawan ng daan para sa pagtatayo ng sosyalistang bukas. Ang ganito kabigat na desisyon ay hindi lang dahil sa bugso ng damdamin, ito ay dahil sa pagsusuri, dahil sa pagkilatis sa lipunang hinahayaang magutom ang anakpawis, sa gobyernong nagpapakasasa sa korapsyon habang dinudurog ang mga nag-aaklas. Sa harap ng ganitong kalagayan, nakita niya na walang ibang tunay na landas kundi ang armadong rebolusyon.
Sa harap ng papalalang krisis panlipunan at dinaranas na masidhing paghihikahos, pagsasamantala at pang-aapi sa ilalim ng tatlong pundamental na ugat ng kahirapan, tiyak na mas marami pang iluluwal na Ka Ken/Aki na handang tumangan ng armas at ipagpatuloy ang pakikibakang pinag-alayan niya ng buhay.
Hinahamon ng Kabataang Makabayan DATAKO ang mahuhusay na kabataan ng Kordilyera na tanganan ang naiwang armas ni Ka Ken/Aki at ng libong pang martir at bayaning nauna. Mapangahas na lumahok sa digmang bayan. Wala nang hihigit pa na pagpupugay sa kanilang buhay sa pagsulong natin bilang susunod na henerasyon ng mga rebolusyonaryo.
Mataba ang lupa ngayon para sa pagrerebolusyon at pagpapalahok ng laksang kabataan sa pakikibaka para sa pambansang demokrasya. Maraming kabataan ang galit na galit sa sistemang bulok at pinamumugaran ng mga kurakot na opisyal ng gobyernong ninanakaw ang kanilang kinabukasan! Idireksyon natin ang ating galit tungo sa armadong pakikibakang dudurog sa nabubulok nang sistema.
Mapangahas tayong magpalawak ng rebolusyonaryong kilusang kabataan. Ang rebolusyonaryong kabataan ay dapat lalo pang magmulat, mag-organisa, at magpakilos ng iba pang kabataan at imulat sila sa katotohanang armadong paglaban lamang ang magbabago ng sistema. Sa pamamagitan ng pag-oorganisa at kolektibong pagkilos, nabibigkis ang hiwa-hiwalay na galit ng mga kabataan at nagiging konkretong lakas na hahambalos sa naghaharing-uri sa pamamagitan ng mga papalaking protesta sa lansangan hanggang sa pagsampa sa Bagong Hukbong Bayan sa kanayunan.
Higit pang pagalabin ang diwang rebolusyonaryo! Isabuhay ang diwa ni Ka Ken/Aki!
Kabataan, Sumampa sa Bagong Hukbong Bayan!
The post Kabataan ng Kordilyera, tanganan ang naiwang armas ni Ka Ken/Aki! Lumahok sa digmang bayan! appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

