Nagsama-sama ng 19 tribu mula sa iba’t ibang panig ng bansa noong Agosto 5 sa Quezon City upang ipahayag ang kanilang pagkundena sa bagong proseso na lalong nagpahina sa pagkuha sa kanilang Free, Priod and Informed Consent (FPIC) para sa anumang proyekto sa kanilang lupang ninuno. Inilatag ang bagong proseso ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP). Ang pagtitipon, nagsagawa ang mga tribu ng mga katutubong seremonya at pangkulturang pagtatanghal sa pagtitipon.

Ayon sa mga nagpuprotesta, ang ibayong pagpahina sa proseso ng FPIC ay magbubukas ng daan para sa malalaking mapagsamantalang negosyo na pumasok sa mga lupang ninuno, kagubatan, at mga teritoryong mayaman sa biodiversity nang hindi dumadaan sa tamang pagsusuri. Magreresulta ito sa pag-aalis ng mga karapatan sa proseso at awtoridad ng mga katutubo sa kanilang mga teritoryo at paglalagay sa panganib sa kapaligiran para sa ginhawa ng mga korporasyon.

Noong Mayo 1, inianunsyo ni Nancy Alaan Catamco, tagapangulo ng NCIP Regional Director na pinagtibay ng Commission en Banc ang updated na panuntunan sa FPIC. Sinubukan ng ahensya na tapusin ang mga pagbabago simula noong Mayo 2024, matapos ang isang pambansang konsultasyon na ginanap sa Quezon City.

Ayon sa Legal Rights and Natural Resources Center (LRC), hindi bababa sa 14 na nakakabahala na panuntunan sa draft ng 2026 FPIC Guidelines. Sa ilalim ng bagong panuntunan, pabibilisin ang proseso ng FPIC na maglilimita sa partisipasyon ng katutubong pamamahala at pahihinain nito ang proteksyon sa mga lupang ninuno.

Sa borador, hinati ang mga proyekto sa apat na kategorya na may magkakaibang rekisito para sa pagpayag o consent na ang itatakda ng NCIP at maaaring magtakda ng limitasyon sa antas ng partisipasyon ng komunidad. Inaalis din sa borador ang minimum na bilang ng asembliyang pangkomunidad. Sa 2012 alituntunin ng FPIC, kinakailangan maisagawa ang dalawang assembliya. Sa 2026 na borador, walang itinakdang minimum. Inaalis din ang patakarang nangangailangan ng FPIC para sa mga konsesyon, lisensya, permit, lease, o production-sharing agreements sa mga lupang ninuno.

The post Bagong patakaran sa FPIC, kinundena ng mga tribu appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.