Itinatag noong Hulyo 26 ang grupong BULOSAN: Kapit-Bisig Unyonista ng Los Angeles, isang grupo ng mga Pilipinong manggagawa at organisador sa Southern California. Layunin ng grupo na itaguyod ng tunay na unyonismo at buuin ang pagkakaisa ng mga manggagawa sa Pilipinas at sa Southern California.
Pangunahing kampanya ng organisyon ang “US Out of the Philippines” at ang pagtataas ng pakikibaka sa ekonomya sa mas malawak na laban sa imperyalismo.
Ayon sa grupo, itinatag ang organisasyon mula sa mga aral at resolusyon sa nilahukan ng mga myembro nito na International Solidarity Affar (ISA) na pinangasiwaan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) noong simula ng taon.
Sa ISA, naging resolusyon ang pagbuo ng internasyonal na pagkakaisa kasama ang mga manggagawa at magsasaka sa Pilipinas, pakikiisa ng mga manggagawa sa US sa pambansang demokratikong kilusan, at pagbubuo ng mga koordinasyon sa mga kampanya ayon sa global supply chain.
Tinalakay din ang kahalagahan ng welga bilang armas ng mga manggagawa at paghahanda para sa pangkalahatang welga sa US sa 2028.
Nilahukan ang araw ng pagtatatag ng mga kasapi mula sa 13 unyon sa sektor ng hospitality, pagbobodega, kolehiyo at unibersidad, daungan, lohistika, serbisyong pampubliko, manggagawang pangkalusugan, guro, at mga manggagawa sa entertainment. Nasa 150 katao mula sa 25 organisasyon ang dumalo sa pagtitipon. Naging panauhin ang mga organisasyong Latino at Koreano.
Sa aktibidad, ipinakilala ang organisasyon sa pamamagitan ng isang tula ni Carlos Bulosan, nag-ulat tungkol sa ISA at pakikiisa ng International Longshore & Warehouse Union (ILWU), pag-awit ng Internationale sa lengwaheng Filipino at Korean, at nakinig sa mga mensahe ng pakikiisa mula sa iba’t ibang alyansa at sa KMU.
Nagkaisa ang mga kalahok sa pagbuo ng pakikiisa sa pagitan ng mga manggagawa sa pakikibaka laban sa karahasan ng rehimeng US-Marcos, partikular sa rehiyong Negros.
Sa ulat ng grupo, nakapaglunsad ito ng mga “GTU School” sa apat na balangay ng Migrante sa Southern California. Nanguna din ito sa pagsuporta sa welga ng ILWU Local 6 laban sa kumpanyang C&H Sugar na nakaugnay sa pakikibaka sa kalagayan at pakikibaka ng mga magasasaka sa Negros. Bunga nito, naglabas ng resolusyon ang ILWU locals 6 at 10 na nagkukundena sa masaker sa Negros 19. Sumapi din ang ILWU local 6 sa Defend Negros Coalition.
____
*GTU-Genuine Trade Union o tunay na unyonismo
The post Organisasyon ng mga Pilipinong manggagawa sa US, itinatag appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

