Inanunsyo kamakailan ng Department of Energy ang pag-atras sa Wind Energy Service Contract ng GigaWind4, Inc. sa plano nitong pagtatayo ng 247 megawatt Banahaw Wind Power Project (WPP) sa Sariaya at Tayabas City, Quezon.
Ang GigaWind4 Inc. ay subsidyaryo ng ACEN Corporation ng Ayala Group.
Saklaw ng proyekto ang 4,567 ektarya sa hangganan ng Sariaya, Quezon at sa mga barangay ng Alitao, Anos, Baguio, Bukal Ibaba, Bukal Ilaya, Calantas, Calumpang, Gibanga, Ipilan, at Malaoa sa Lungsod ng Tayabas. Sa 38 wind turbine generators (WTG), 28 ang itatayo sa loob ng 3-kilometrong radius ng Mount Banahaw-San Cristobal Protected Landscape (MBSCPL), habang ang natitira ay itatayo sa loob ng 10 kilometro mula sa “heritage and cultural site” ng Lungsod ng Tayabas.
Sa loob ng maraming taon, walang tigil ang mga residente, mga organisasyong sibiko, at mga tagapagtanggol ng kalikasan sa pagkundena sa planong windfarm at para sa mas mahigpit na proteksyon sa Bundok Banahaw.Noong Agosto 2025, ipinagpaliban ng Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR-EMB) ang public scoping ng proyekto.
Itinuturing ng maraming tagapagtaguyod ang kumpirmasyon ng pag-atras ng kumpanya bilang tagumpay at bunga ng sama-samang pagkilos ng mg komunidad. Bagama’t mahalaga ang renewable energy sa pagtugon sa climate change, patuloy na binibigyang-diin ng mga eksperto sa konserbasyon na ang mga proyektong renewable energy ay hindi dapat magdulot ng malaking pinsala sa mga protektadong kagubatan, watershed, at mga lupain na mayaman sa saribuhay.
The post Planong windfarm sa Mt. banahaw, napigilan ng mamamayan appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

