Kasabay ng State of the Nation Address ng rehimeng US-Marcos Jr, naglunsad ng sariling People’s SONA ang mga balangay ng mga pambansang demokratikong organisasyon sa pangunguna ng Migrante at Bagong Alyansang Makabayan sa iba’t ibang panig ng mundo noong Hulyo 26 at 27.
Sa mga programa, inilahad ng mga Pilipinong migrante at imigrante ang kalagayan ng mga Pilipinong manggagawa sa kanilang mga bansang tinutuluyan at mga problemang kinakaharap nila. Kabilang dito ang labor trafficking, hindi pagbibigay ng tamang sahod, kawalan ng aksyon ng gubyerno sa kanilang mga hinaing at pangingikil ng gubyerno sa pamamagitan ng mga bayarin.
Binatikos din nila ang papalalang pwersahang migrasyon ng milyun-milyong Pilipino habang inaatake ang mamamayan na naggigiit ng kanilang karapatan. Kinundena din ang ang pagpapahintulot ni Marcos Jr sa papasok ng Pax Silica at balak na pagtatayo ng AI -Industrial hub sa bansa.
Sa Europe, naglunsad ng programa ang mga grupo sa Kilburn Market, London. Naglunsad din ng operation dikit ng mga sticker sa mga kalsada sa London ang Anakbayan UK. Nagprotesta din ang mga grupo sa emabahada ng Pilipinas, sa Berlin, Germany. Naglunsad naman ng pag-aaral at palihan ang mga grupo sa Afrikanerplein 1, Amsterdan, Netherlands at online discussion ang Migrante Bologna.
Sa US, bitbit ang isang effigy ni Donald Trump, Ferdinand Marcos Jr, at Ambassador Jose Manuel Romualdez, nagprotesta ang mahigit 100 myembro ng mga pambansang demokratikong grupo sa harap ng embahada ng Pilipinas sa Washington DC. Nagkaroon din ng protesta sa harap ng mga konsulado ng Pilipinas sa Seattle, Los Angeles, New York at Chicago.
Sa Canada, nagkaroon ng mga protesta sa Metro Station, British Columbia. Samantala, mga pag-aaral at pangkulturang aktibidad ang inilunsad sa Brittania, Ottawa at sa Voyageur Provincial Park, Ontorio.
Sa Asia, sa kabila ng malakas na ulan, nagpatuloy ang mga grupo sa pangunguna ng Bayan Hong Kong and Macau sa protesta harap ng konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong. Naglabas naman ng pahayag ang Migrante Thailand at Bayan Japan.
Naglunsad din ng mga protesta sa harap ng konsulado ng Pilipinas sa Melbourne, Australia
at programa sa Blacktown Station, sa Sydney, Australia, gayundin sa Bridge of Remembrance, Christ Church, Aotearoa at sa Britomart Square, Auckland, Aotearoa (New Zealand).
The post SONA ng mamamayan, inilunsad ng mga migrante sa iba’t ibang panig ng mundo appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

