Kinundena ng Tanggol Quezon ang iligal at artbitraryong paghuli ng PNP Lopez, katuwang ang 85th IB, kay Anthony Biñas, isang magsasaka, noong Hunyo 19.

Ilang araw nang hinahanap ng Quick Response Team (QRT) ng Tanggol Quezon si Biñas nang matunton siya sa Quezon District Jail noong Hunyo 28 ng umaga. Sinampahan siya ng gawa-gawang kaso na attempted murder.

Unang nagpunta ang QRT sa Quezon District Jail noong Hunyo 26 subalit wala pa rito si Binas. Nagpabalik-balik ang team mula sa Lucena patungong Lopez at Gumaca pabalik ulit ng Lucena dahil sa hindi malinaw na impormasyon na ibinigay ng PNP Lopez na wala na raw si Biñas sa kanilang kustodiya.

“Pamamaraan ng AFP-PNP na lituhin ang mga human rights workers sa tuwing may hahanapin na bilanggong pulitikal at paikot-ikutin ang quick response team. Malinaw itong paglabag sa karapatan ng mga bilanggong pulitikal,” paliwanag ni Paul Tagle, tagapagsalita ng Tanggol Quezon.

Hindi na bago sa prubinsya ng Quezon ang ganitong insidente. Noong Abril 6, 2025, arbitraryo ring inaresto si Reyman Noriesta, isang magsasaka sa Lopez. Pinalalabas ng AFP na kasapi siya ng rebolusyonaryong grupo. Nakaranas ang mga kaanak ni Noriesta ng pandarahas at paniniktik ng militar. Hanggang sa kasalukuyan, nililigalig pa rin ng kasundaluhan ang kanilang komunidad.

Nananawagan ang Tanggol Quezon na agrang palayain si Biñas at iba pang biktima na sinampahan ng gawa-gawang kaso ng AFP at PNP.

The post Magsasaka sa Quezon, iligal ba hinuli at idinetine ng PNP at AFP appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.