Nagpahayag ng pagkabahala ang grupong Salinlahi Alliance for Children’s Concerns hinggil sa tumataas na bilang mga batang bansot na edad 5 taon pababa.
Ayon sa pag-aaral ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute, mula Abril 23, 2025 hanggang Marso 31, 2026, nasa 25 sa bawat 100 bata (o 1 sa bawat 4) na edad 5 taong gulang pababa ay masyadong mababa para sa kanilang edad dulot ng kanilang paglaki na kulang sa nutrisyon (chronic maltnutrition).
“Nakakabahala pero hindi nakakagulat… hindi hiwalay nag kalagayan ng bata sa kung ano ang nararanasan ng kanyang pamilya. Sa baba ng sahod ng mga magulang at mahal ng bilihin, paano pa makakakain nang masustansyang pagkain ang mga bata?” pahayag ni Trixie Manalo, tagapagsalita ng Salinlahi.
Ayon sa grupo, mawawakasan ang malnutrisyon at pagkabansot ng mga bata sa pamamagitan ng pag-angat ng kalidad ng pamumuhay ng mga pamilyang Pilipino. Magagawa lamang ito kapay natugunan ang batayang kahilingan ng mga magsasaka para sa lupa at pagpapaunlad ng lokal na ekonomya sa pamamagitan ng pambansang industriyalisasyon.
“Sa pamilya ng magsasaka at manggagawa matatagpuan ang pinakamalaking bilang ng mga bata. Dahil dito, kailangan nating suportahan ang laban para sa lupa, nakabubuhay na sahod at karapatan,” paliwanag ni Manalo.
The post Pagtaas ng bilang mga batang bansot sa Pilipinas, dulot ng kahirapan—Salinlahich appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

