Naglunsad ng ambush ang Roselyn Jean Pelle Command-NPA laban sa Regional Mobile Force Company (RMFC) noong Hunyo 14, bandang alas 4:20 ng hapon sa Sitio Alimpolosan, Barangay Lalong, Calatrava.
Pinaputukan ng mga Pulang mandirigma ang mga pulis na nagpapasiguro na matuloy ng mga tropa militar ang kanilang Retooled Community Support Program (RCSP) sa erya na malinaw na pakitang-tao lamang upang ibayong palakasin ang militarisasyon sa kanayunan. Ngunit agad napansin ng mga Oulang mandirigma ang mga kasama nilang sibilyan kaya agad na tumigil sa pagpapaputok ang mga kasama. Hindi nila itinuloy ang pag-assault upang masiguro ang kaligtasan ng mga sibilyan.
Sa nakuhang impormasyon ng yunit, papasok sana sa erya ang kapulisan dahil sila ang bagong tagapagtiyak na matuloy ang programang RCSP ng AFP. Sa kasaysayan ng implementasyon nito, walang mintis ang 79th IB sa pangungumbinsi sa mga residente ng lugar na mag-surrender at maging mata at tainga ng mga ahente ng estado laban sa rebolusyonaryong kilusan. Kalaunan din ay ginagawan ng detachment ng militar ang mga lugar na matagal nilang pinagkakampuhan. Sa buong durasyon ng kanilang pananatili, madalas na nanggugulo sila sa komunidad. Nagpapaputok pagkatapos ang magdamag na inuman at nagpapakalat ng bulok na kultura gaya ng pagsusugal at panonood ng mga malalaswang video.
Ang paglulunsad ng NPA ng taktikal na opensiba ay isang makatarungang tugon sa mga atake ng AFP at PNP sa mga mamamayan ng nasabing lugar. Hindi hahayaan ng NPA na patuloy ang militarisasyon sa lugar at mamayagpag ang inhustisya.
Pinapaalalahan din ng RJPC-NPA ang mga sibilyan na iwasang sumakay sa mga sasakyan ng PNP at AFP sapagkat ito ay lehitimong target ng mga aksyong militar ng NPA.
The post Ambush, inilunsad ng RJPC-NPA appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

