Matagumpay ang aktibong depensa ng Roselyn Jean Pelle Command – NPA laban sa operasyong kubkob ng 79th Infantry Battalion noong Hunyo 01, 2026 sa Sitio Cagayon I, Barangay Tamlang, Escalante City.
Habang papalapit ang isang kolum ng 79th IB sa pwesto ng isang yunit ng RJPC-NPA, inagaw ng mga pulang mandirigma ang inisyatiba at una nilang pinaputukan ang mga berdugong militar. May mga kaswalidad sa hanay ng kaaway kung saan isa rito ang patay na kinumperma mismo ng 79th IB, habang ligtas na nakamaniobra ang mga pulang mandirigma palabas sa lugar na sobrang militarisado.
Ang magiting na pagpupunyagi ng mga Pulang hukbo ay sampal sa paulit-ulit na deklarasyon ng reaksyunaryong estado at ng armadong makinarya nito na wala ng nakatayong larangan sa erya. Pinasisinungalingan din nito ang kanilang ipinagyayabang na wala ng kakayahan ang mga Pulang hukbo sa Negros na maglunsad ng mga taktikal na opensiba.
Dagdag dito, mariin na itinatanggi ng RJPC-NPA na kasapi nito ang dinakip na indibidwal sa checkpoint sa Barangay Mabini, Escalante City na nakuhanan ng .45 kaliber na armas at droga maging si Joseph Moso Bindoy na pinatay ng militar noong Abril 15, 2026.
Ang inarestong indibidwal at si Bindoy ay mga sibilyan na walang kahit anong koneksyon sa rebolusyonaryong kilusan.
Hindi nakapagtataka ang mga imbentong ito ng 79th IB at ng mga kapulisan dahil sa desperasyon nilang siraan ang totoong sundalo ng mamamayan. Ngunit kailanman ay hindi ito naging epektibo dahil alam ng buong Negrosanon na walang ibang protektor ng mga drug lords kundi ang mismong mga heneral at hepe ng militar at kapulisan.
Mananatiling buo ang kapasyahan ng NPA at mamamayang inaapi na gapiin ang kaaway at bigyan ng hustisya ang mga pinaslang ng reaksyunaryong gobyerno at mersenaryong sundalong AFP. Ang lumalalang krisis na nararanasan ng mamamayang Negrosanon sa ilalim ng malakolonyal at malapyudal na lipunan ang magpapalakas ng katiyakang magpapasya na muling palakasin ang digmang bayan sa negros at mag ambag sa digmang bayan sa kabuuan.
The post Aktibong depensa ng Roselyn Jean Pelle Command NPA Northern Negros laban sa 79th Infantry Battalion, 1 ang kumpirmadong patay sa hanay ng kaaway appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

