Sa buong Pilipinas, umaalingawngaw ang panawagan para sa hustisya. Mula sa mga sunod-sunod na insidente ng pamamaslang, masaker, pagtotortyur, pagbabanta, iligal na pag-aaresto, nakahanap pa ng lakas ng loob ang berdugong AFP na magkunwaring mayroon silang malasakit at respeto para sa internasyunal na batas ng digma! Sa ilang mga propaganda na inilabas ng mga berdugong AFP, nagkukunwaring makatao at may malasakit ang mga militar upang pagtakpan ang kanilang mga sunod-sunod na krimen sa digma at krimen laban sa mga mamamayan. Kaisa ang Kabataang Makabayan – Balangay Agaton Topacio sa mga biktima ng terorismo ng estado at ang kanilang mga pamilya. Abot-langit ang aming sigaw para sa katarungan at hustisya. Tiyak na aabot ito sa iba’t ibang dako ng daigdig hanggang sa walang matatakasan ang mga berdugo at ganid sa anumang antas. Gagawin ng rebolusyonaryong kilusan ang lahat ng maari upang makamit ang tunay na hustisya.

Tunay nang nakakaalarma ang madugo at mapanlinlang na terorismo ng estado sa ilalim ng balangkas ng National Action Plan for Unity, Peace and Development (NAP-UPD) na palpak din sa kaniyang hangarin na wasakin at wakasan ang kilusan. Mas lalong nagagatungan ang wastong hangarin ng taumbayan para sa hustisya at pananagutan sa kabila ng kaliwa’t kanan na paglabag sa karapatang pantao, at lumalalang krisis panlipunan dahil sa pasismo, kainutilan, at terorismo ng rehimeng US-Marcos, Jr.

Mga Pasistang Pag-atake sa Sambayanan sa Iba’t ibang Rehiyon

Simula pa lamang nitong taon ay binulabog na tayo ng balita ng karahasan sa pambobomba ng 2nd Infantry Division (ID) sa isang komunidad sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro, kung saan nasawi ang sibilyang researcher na si Jerlyn Rose Doydora at ilan pang mga kabataang Mangyan, kasama na rin ang ina ng mga batang ito. Mula dito, malawakang kinundena ang terorismo ng mga uhaw-na-dugo na AFP. Hanggang ngayon walanghiya nilang binabandera ang pagkamatay ni Jerlyn bilang panakot at punto ng kanilang black propaganda tungkol sa “mapanlinlang” na pagrerekluta umano ng kabataan sa rebolusyonaryong kilusan. Pagkatapos nito, hinuli nila ang Fil-Am na organisador na si Chantal Anicoche at ipinailalim sa detensyon at kustodiya ng AFP kung saan siya ay pinalibutan ng mga ahente ng psycholigical warfare (psywar) units ng AFP bago pauwiin sa Estados Unidos. Sa buong pagkaaktaon nito, ang humanitarian team na pumunta sa Mindoro upang mapalaya mula sa psywar at kustodiya ng kaaway at matiyak ang kaligtasan ni Chantal ay hinaras ng mga ahenteng paniktik at mga bayad na propaganda at psywar agent ng estado.

Sa mga sumunod na buwan nasangkot ang 2nd ID sa ilan pang insidente ng pamamaslang at pagdakip, tulad noong ika-29 ng Marso kung saan hinuli nila ang kabataang artista at aktibista na si Charlize “Ceeka” Garzon, sa Barangay Monteclaro, Occidental Mindoro pagkatapos ng isang depensibang labanan sa pagitan ng isang Scout Ranger Platoon, at iba pang mga elemento ng 68th Infantry Battalion, at ng Lucio De Guzman Command ng Bagong Hukbong Bayan (LDGC-NPA). Sa labanang ito, nasawi ang platoon leader ng mga Scout Ranger na si Capt. Dean Oyando, at nasugatan si Oma Dag-Od na mas kilala bilang Ka Nixao na naging sanhi ng kaniyang pagkamartir. Ligtas na nakaatras ang yunit ng Hukbong Bayan mula sa labanan. Isang bigwas sa mga mapang-aping Scout Ranger ang pagkamatay ni Oyando at dapat pagpugayan ang LDGC-NPA sa kanilang pagkuha ng inisyatiba sa depensibang labanan. Isang paalala ito sa mga pasistang tropa ng AFP na hindi sila maaring maglipana sa mga komunidad ng mga magsasaka at Mangyan nang hindi makakatikim ng pinsala mula sa tunay na hukbo ng mamamayan.

Mula sa pagkabigo nila, at paghahanap ng maaaring ibandera bilang ‘tagumpay,’ dinakip at pinagmukhang ‘nahuling NPA’ ng 68th Infantry Battalion (IB) si Ceeka Garzon na naroon sa Occidental Mindoro upang makipanayam sa mga Mangyan-Buhid bilang bahagi ng kaniyang pagsaliksik ng kultura ng mga batayang masa sa pamamagitan ng pakikipamuhay. Si Ceeka ay hinuli at ipinuwesto sa tabi ng mga kagamitang pandigma tulad ng M-16 at mga pasabog upang kuhanan ng litrato na ipinakalat sa midya at social media, ang militar ay nagpakalat din ng ilang mga litrato ng mga kwaderno na pinagmumukha nilang nasa kagamitan ni Ceeka upang buuin ang naratibo na isa siyang kabataang nakapailalim sa isang “tour of duty” sa yunit ng NPA, nired-tag din ng AFP ang mga organisasyon na kinabibilangan ni Garzon. Mistulang sirang plaka na pinopondohan ng pera ng taumbayan ang pinapaikot na naratibo ng estado. Isang malubhang inhustisya ang pagpataw ng mga patong-patong na kaso kay Garzon sa isang bagay na wala siyang kinalaman, habang ang mga nasa naghaharing uri at militar ay nakakatakas mula sa pagpapanagot sa kanilang mga krimen laban sa sambayanan. Iniulat ng mga grupo na nagtiyak sa kaligtasan ni Garzon kasama ng kaniyang pamilya ang walang tigil na psywar, paniktik at harrassment mula sa mga militar at pulis. Ayon sa ulat ng kaniyang ina, si Garzon ay tinortyur ng mga naka-sibilyan na elemento ng 68th IB, at habang nakapailalim sa interogasyon ay binantaan ang kaniyang buhay.

Ilang beses siyang sinubukan na ipasurender o magpagamit sa mga militar sa iba’t ibang mga paraan. Nung nagpakatatag ang pamilyang Garzon sa tindig na inosente at walang-sala si Ceeka, saka ipinagulong ng militar ang mga gawa-gawang kaso. Ang absurdong paratang nila ay sangkot sa murder ang Benilde alumna at artista ng bayan na si Ceeka dahil sa mga kaswalti ng militar sa labanan nila ng NPA noong ika-29 ng Marso. Tanda ito sa kampanyang terorismo ng estado na hindi na lamang gumagamit ng taktikang militar kundi ang buong sibilyan na burukrasya upang pahirapan ang mga organisador at mga komunidad. Parte ito sa hakbangin na mapailalim ang lahat ng rekurso ng gobyerno sa terorismo ng estado.

Sa parehong linggo, noong ika-25 ng Marso, ang sibilyan na si James Quinones ay pinatay at tinadtad ng bala ng AFP sa Sorsogon, at ang mga batikang organisador na sina Josephine Porquia at si Maria Luisa Guillen ay hinuli ng pinagsamang elemento ng AFP at PNP sa kanilang kinaroroonan sa Iloilo City noong ika-2 ng Abril.

Kapwa sa kanayunan at kalunsuran hindi natigil ang panggigipit at pagtangka ng mga pasista sa kanilang tuloy-tuloy na pagpapahirap sa mamamayan. Noong Ika-6 ng Abril ginawang palisiya ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Safer Cities Initiative na nagtatarget sa mga komunidad ng mga maralitang lungsod at mga mahihirap. Sa mga susunod na araw, nakita ng mamamayan ang matinding kalupitan sa pagsuyod ng mga kapulisan sa mga komunidad at pag-lunsad ng mga malawakang pag-aaresto ng mga matatanda at menor-de-edad dahil lamang sa presensya nila sa labas lagpas ng curfew. Napaatras ang palisiyang ito pagkatapos ng sunod-sunod na reklamo, subalit hindi pa rin nabubura sa alaala ng mamamayan na higit 89,532 ang hinuli sa buong bansa, na nagdulot ng matinding katakutan sa marami. May anyo ng pagpapaalala ito sa matinding militarisadong lockdown noong pandemya at pati na rin sa panahon ng batas militar.

Sa Lanao del Sur noong ika-17 ng Abril, sa bisa umano ng pag-aaresto ng isang pinaghihinalaang kasapi ng Dawlah Islamiyah-Maute Group, minasaker ng AFP at PNP ang ilang mga sibilyan. Inirereklamo ng ilang grupo na hindi tumutugma ang mga ulat ng mga masa sa lugar sa ipinagmumukhang naratibo ng AFP at PNP na may naganap na labanan. Mayroong ebidensya, tulad ng mga litrato ng mga kama na may tama ng bala, na ilan sa mga pinatay ay tulog o walang kalaban-laban nang paslangin.

Sa Samar naman, mayroong mga magkahiwalay na insidente nitong Ika-17 at Ika-23 ng Abril kung saan dinakip ang tatlong pulang mandirigma ng mga elemento ng 8th ID. Sina John Paul, Mike, at Oking ay naglulunsad ng gawaing masa at hindi armado nang hulihin. Magdamag na tinortyur sila ng mga militar habang nasa kustodiya. Dahil walang binigay na impormasyon sa kaaway, sila’y pinaslang. Ipinwesto na lamang ang kanilang mga bangkay sa isang gawa-gawang engkwentro noong Ika-24 ng Abril. Kapansin-pansin na ang mga tinanim na riple ay walang gunsling.

Sa ika-19 ng Abril, napabalita na may 19 na indibidwal na nasawi sa Toboso, Negros Occidental pagkatapos ng isang di-umanong labanan sa pagitan ng AFP at Roselyn Jean Pelle Command ng Bagong Hukbong Bayan (RJPC-NPA) na tumagal ng ilang oras na umabot sa Sitio Plarinding, Barangay Salamanca, Toboso. Naiulat na may sampu na pulang mandirigma ng RJPC-NPA na namartir dahil sa karumaldumal na pagmamasaker at overkill ng pasistang AFP. Kabilang sa mga pinatay din ng AFP ay mga sibilyan na organisasdor, kabataan, magsasaka at progresibong mamamahayag at mga organisador na Fil-Am na nakikipamuhay sa mga magsasaka ng Negros Occidental. Ang malubha ay kasama sa mga pinatay ay dalawang menor-de-edad. Pinagpiyestahan ng mga pasista at nilapastangan ang kanilang alaala sa mga serye ng black propaganda at social media posts na ginantungan din ng ilang mga trolls at ahente ng estado.

Sa mga susunod na araw, hinuli ng AFP at PNP sa Talisay ang limang mga tao na ipagmumukha nilang mga “NPA na nakatakas mula sa engkwentro sa Toboso.” Kabilang sa mga inaresto ay si Julie Ann Balora ng National Federation of Sugar Workers (NFSW). Kasalukuyang humaharap ng mga gawa-gawang kaso si Balora kasama ng mga iba pa niyang kasamahang inaresto.

Noong madaling araw ng ika-21 ng Abril, nagpaputok ang mga sundalo ng 62nd IB sa kubo ng isang magsasaka na si Eddie Marco. Pagkatapos nito, isang mandirigma ng Leonardo Panaligan Command (LPC-NPA) ng Bagong Hukbong Bayan ang dinakip ng 62nd IB habang nagpapagaling ito mula sa pneumonia sa isang kubo noong Ika-23 ng Abril. Siya’y hindi armado at nagpapagaling kaya’t wala sa katayuan na lumaban. Dapat siya ay kinuha bilang bihag at nirespeto ang karapatan, subalit siya’y tinortyur at pinatay ng 303rd IBde at pinagmukhang “nanlaban” sa isang engkwentro, at tinaniman pa ng M-16. Binalikan pa ng militar si Eddie Marco noong ika-10 ng Mayo upang ireyd ang kaniyang bahay at ipinailalim sa interogasyon, kung saan siya’y pinagbantaang sasaktan. Nagpaputok muli sa lugar ang mga sundalo upang ipagmukhang engkwentro.

Sa ika-23 ng Abril naman, sa gitna ng madaling araw, pinatay ng mga elemento ng PNP sa Zamboanga City ang tatlong miyembro ng isang pamilya, at nasugatan ang tatlo pang miyembro nito sa isang di-umanong “lehitimong operasyon.” Dinumog ang kanilang bahay ng higit 52 na katauhan mula sa mga iba’t ibang puwersa ng PNP sa isang nakakasuklam na pagpapakita ng overkill tactics. Naiulat na tadtad ng bala ang bahay ng pamilyang Alfad at may ibang pinatay nang nakahiga sa kama.

Pagkatapos ng isang tagumpay na kontra-reyd sa Southwest Negros ng Armando Sumayang Jr. Command ng NPA (ASJC-NPA) sa mga operatiba ng 47th IB noong ika-4 ng Mayo, iniulat na dalawang pasistang sundalo ang nasawi. Pagkatapos nitong pagkatalo, inaresto ng 47th IB si Jose Escamilla, na isang sibilyang magsasaka sa erya. Ang kaniyang asawa ay lumapit sa midya at lokal na radyo upang iulat ang pagkadakip ng kanyang asawa, at dahil dito, napalaya mula sa kustodiya ng militar si Escamilla. Nagpakitang-tao ang kumander ng 47th IB na si Lt. Col. Dennis Martinez at sinabing “standard procedure” lamang ang pagdakip nila ng sibilyan pagkatapos ng isang engkwentro, subalit labag ito sa batas na nakasaad sa konstitusyon kung saan dapat ligtas ang tao mula sa arbitraryong detensyon at interogasyon nang walang abogado. Labag din ang ginawa ng 47th IB sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) na pinirmahan ng GRP at NDFP noong 1998.

Palakasin ang Rebolusyonaryong Kilusang Masa at Digmang Bayan Upang Kamtin ang Hustisya

Mula sa mga sunod-sunod na pagpapatay, pagdakip, pagtortyur at intimidasyon ng mga sibilyan at Pulang mandirigma, at tuloy-tuloy na walang-awang pandarahas sa mamamayan, nararapat lamang na lumalakas ang panawagan ng mga iba’t ibang grupo para sa hustisya. Sa totoo, ay sa puntong ito, hinigitan na ng rehimeng US-Marcos Jr. ang mga paglalabag sa karapatan ng mamamayan sa ilang aspeto ang mga ibang nakaraang rehimen, at nararapat lamang ang ating makatarungang paglaban dito, kapwa kalunsuran at kanayunan, upang patalsikin si Marcos at Duterte at mapanagot ang lahat ng sangkot sa korapsyon, pasismo at terorismo ng estado!

Kung paniwalaan o bigyan ng puwang ang propaganda ng kaaway, mistulang sinagad na pormula ang proseso ng “paglilinlang,” at pagrerekluta ng mga kabataan, magsasaka, katutubo, manggagawa, OFW, maralitang lungsod at marami pang iba sa Bagong Hukbong Bayan. Pagmamaliit ito sa kakayahan ng tao na magsuri at magpasya para sa sarili, at pinagmumukhang “terorismo” ang rebolusyonaryong pakikibaka. Hinugot lamang ng AFP mula sa kanilang mga kathang-isip – at sa totoo, sa sariling anino – ang paratang na mapanlinlang at mapanganib ang kalakaran ng kilusan. Kung mayroong tunay na nanlilinlang at nagdadala sa mga tao sa panganib, iyan ang mga pasistang upisyal at tropa ng AFP at PNP na tinalikuran na ang kanilang pagkatao upang magsilbing makinarya ng terorismo at estado na sunud-sunuran sa mga dikta ng rehimeng Marcos Jr. at ang amo nilang Estados Unidos.

Pansamantala lamang ngayon na nagkakaroon ng lakas ng loob ang mga pasista na harap-harapang maglapastangan at magpalaganap ng takot at ligalig sa masa habang nagkukunwaring mga naglilingkod sa bayan dahil nakalimutan na nila ang tikim ng mga mapait na karanasan mula sa pag-lakas ng armadong pakikibaka sa buong bansa. Tungkulin natin ngayon na muling palakasin ito upang panagutin ang mga pasista at maidala ang mga pinakamasahol na pasista sa mahabang kamay ng rebolusyonaryong hustisya.

Kung tapat na susuriin ang bigat at dami ng patong-patong na kaso ng mga krimen ng militar at pulis, mauunawaan at klaro ang pinagmumulan ng suporta para sa Bagong Hukbong Bayan bilang tagapagtanggol ng mga maliliit at mahirap! Makatarungan ang paglaban para sa kabuhayan at karapatan ng mga masa! Makatarungan tumangan ng armas at magpalakas ng mga organisasyong masa! Ang mga rebolusyonaryo ay hindi mga pasibo o inutil na “niloko” kundi mga tunay na namulat sa tunay na kalagayan ng Pilipinas. Hindi din mali na makipamuhay o makipagpanayam sa mga rebolusyonaryo o Hukbo, upang makuha ang kanilang panig hinggil sa ilang mga mahahalagang isyu. Sinusubukan ng kaaway na ihiwalay ang mga masa mula sa mga organisasyon na tunay na tumatayo para sa kanilang interes upang hindi magkaisa ang mamamayan sa hangarin na pabagsakin ang mapang-aping sistema na kinakatawan ngayon ng rehimeng US-Marcos Jr. at nararapat itong ilantad at labanan ng buong sambayanan.

Sa kanilang nakaka-alarmang deklarasyon na hindi na sila interesado sa usapang pangkapayapaan sa pagitan nila at ng NDFP, pinapakita lamang ng rehimeng US-Marcos Jr. na sila’y mga uhaw-sa-dugo, mga reaksyunaryo, at tuta sa kaibuturan. Mabibilaukan at magsisisi sila sa pagsara nila sa pintuan ng kapayapaan. Nananatiling bukas ang rebolusyonaryong kilusan na kinakatawan ng NDFP sa usapang pangkapayapaan upang makakamit ng kapayapaan na may hustisya para sa mamamayan at tunay na kalayaan at kasarinlan para sa Pilipinas.

Isa itong buhay at kamatayan na laban, na tiyak na magtatagumpay dahil sa hindi mapigilang agos ng suporta, kaisahan at pagmamahal ng masang pinaglilingkuran ng Bagong Hukbong Bayan at ng buong rebolusyonaryong kilusan!

Bilang isang kongkretong tugon upang masolusyonan ang nananatiling krisis sa ating bansa, sisikapin nang buong lakas at kasigasigan ng KM-Agaton Topacio na magpadala ng napakaraming mga kabataan sa kanayunan upang tuwirang lumahok sa kampanya para sa tunay na hustisya sa ating bayan. Mataas ang aming kumpiyansa na makakatuwang ang mga masang kabataan-estudyante at pati ang mga batayang masa sa iba’t ibang lugar sa mataas na hangarin na paramihin ang mga pasampa na pultaym sa Bagong Hukbong Bayan nang ilang ulit. Kami ay lalaban hanggang sa dulo, hanggang sa tagumpay! Papakilusin namin ang mga iba’t ibang saray ng lipunan na gamitin ang kanilang kakayahan, kaalaman, at talento upang paunlarin ang mga praktika at taktika ng matagalang digmang bayan hanggang sa muling paglakas nang ilang ulit ng Hukbo sa iba’t ibang dako ng Pilipinas. Walang imposible kung magkakaisa ang sambayanang Pilipino!

Kabataan, labanan ang pasismo at terorismo ng rehimeng US-Marcos, Jr! Sumapi sa KM-Agaton Topacio! Kamtin ang tunay na hustisya!

Palagablabin ang digmang bayan! Durugin ang kaway, hanggang sa tagumpay!

The post Mananaig ang Rebolusyonaryong Hustisya! Panagutin ang Berdugong AFP-PNP, Paigtingin ang Digmang Bayan sa Buong Bansa! appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.