Nitong mga nakaraang linggo at sa mga linggong hinaharap, may ilang mahalagang tanong tungkol sa rebolusyonaryong kilusan: Ano ang saysay ng rebolusyonaryong hustisya? Bakit nga ba mayroong hiwalay na sistema ang Bagong Hukbong Bayan sa pagpapanagot ng mga reaksyunaryo at pasista? Hustisya ba ang ipinapaglaban ng AFP kapag naglulunsad sila ng mga overkill na operasyong militar at combined operations sa mga baryo? Mahalagang silipin ang mga kaganapan sa Negros bilang halimbawa kung ikumpara ang hustisya na tinataguyod ng Hukbo para sa malawak na hanay ng sambayanan sa “hustisya” na tinataguyod ng AFP para sa mga korporasyon, landgrabber, at naghaharing uri.

Noong ika-19 ng Abril, may 19 na namartir sa Sitio Plarinding, Barangay Salamanca, Toboso. Maiiulat na may sampu na pulang mandirigma ng RJPC-NPA sa pamumuno ni Roger “Ka Tapang” Fabillar at Maria Clarita “Ka Sanim/Pat” Branzuel Blanco na mamamartir dahil sa karumaldumal na pagmamasaker at overkill ng pasistang AFP. Ang yunit ng NPA na namartir ay sina Sonny Boy Caramihan, Rene Villarin, Sr., Pedro Bonghanoy, Arnel Javoc, Joros Caramihan, Genevieve Balora, Labskie Purisimia Estacion, at Jocel Gimang. Kabilang din sa mga pinatay ng AFP ay mga sibilyan na sina Alyssa Alano, RJ Ledesma, Errol Wendel, Maureen Santuyo, Roel Sabillo, Lyle Prijoles at Kai Sorrem. Mayroon ding mga menor-de-edad na kabilang sa mga pinaslang. Kilala sila ngayon bilang Negros 19, mga mabubuting anak ng bayan na nabuwal dahil sa pasismo ng estado at mga naglingkod sa bayan sa iba’t ibang paraan hanggang sa kanilang huling hininga.

Ang estado ay may ibang naratibo na gasgas at hungkag, hindi nila napigilan na matuwa sa dami ng kaswalti. Pinagpugayan pa mismo ng commander-in-thief na si Marcos Jr. ang madugong operasyon. Dinidikit nila ang mga sibilyan sa NPA bilang patunay umano hinggil sa “recruitment” na nagaganap mula sa mga pamantasan hanggang sa pandaigdigang komunidad ng mga OFW. Paulit-ulit ang kuwento ng estado upang pagtakpan ang kanilang mga krimen, dungisan ang alaala kapwa ng mga organisador at mga pulang mandirigma, at para ilihis ang katotohnan na sa gitna ng krisis, angkop lamang na lumaban sa iba’t ibang antas hanggang sa paglahok sa armadong pakikibaka. Sinuman ang bumoses laban sa naratibo ng berdugong AFP, at nananawagan para sa katotohanan ay ihinaharas ng mga bayad na ahente ng estado. Sa mata ng kaaway, maaring tignan na lubhang mahina at “tapos na” ang digmaan bagaman “tuloy-tuloy ang impiltrasyon” ng mga rebolusyonaryo at komunista sa iba’t ibang saray ng lipunan. Kung mayroong lunod na sa kasinungalingan, iyan mismo ang estado at naghaharing-uri. Lasing na sila sa mga sariling kasinungalingan.

Mapanlinlang at nagpapakitang-tao ang AFP hinggil sa “pagrespeto nila sa karapatang pantao” at nagkukunwari pa sila na ipinaglalaban nila ang karapatang pantao–ang di-umanong karapatang pantao at hustisya para sa ilang mga sagadsaring reaksyunaryong ahente, operatiba ng militar, at mga kriminal na elemento na pinarusahan ng yunit ni Ka Tapang sa bisa ng mga mandyamento ng rebolusyonaryong korte–mas absurdo ay kada paglabas ng propaganda ng kaaway, lumolobo ang bilang ng mga ‘biktima’ ng yunit ni Ka Tapang mula sa inisyal na bilang ng kaaway na “Negros 48” ay ngayon naging “Negros 60” na! Sa gayon, umamin pa pala ang kaaway sa dagdag pinsala sa kanilang hanay, o pinaghalo ang mga pinaslang nila sa mga tunay na napatunayang dapat parusahan ng rebolusyonaryong hustisya! Kung balikan ang rekord ng RJPC-NPA sa kanilang mga pahayag, mayroong mga patunay at litrato ng mga nasamsam na dokumento at armas ng kaaway, at pati na rin ang mga batayan sa pagpataw ng parusa, na madalas dahil sinubukan ng pugante sa rebolusyonaryong hustisya na paputukan ang nag-aarestong yunit ng NPA. Sinisigurado ng mga responsableng mga kasama sa Partido at Hukbo na may sapat na batayan at ilang mga pagsubok sa mapayapang resolusyon bago humantong sa parusang kamatayan ang ipapataw upang makakamit ng rebolusyonaryong hustisya. Sa rekord din ng pagpataw ng rebolusyonaryong hustisya, kita na ang mga kasama ay tinitiyak nang mahigpit ang kaligtasan ng mga sibilyan at walang-sala. Kung ikumpara, walang-tigil at walang-awang pamamaslang at masaker ang kalakaran ng mga yunit ng AFP at PNP. Umaapaw ang galit ng taumbayan at panawagan para singilin at panagutin ang mga kumander at upisyal ng AFP, partikular sina Romeo Brawner, Gilberto Teodoro, at si Marcos Jr.

Ang mga tagumpay na operasyon ng RJPC-NPA sa pamamarusa ng mga ahenteng paniktik, mersenaryo, at mga kawal at upisyal ng AFP at PNP ay patunay sa malalim na balon ng suporta na natatanggap ng Bagong Hukbong Bayan mula sa malawak na hanay ng mamamayan. Tanda nitong suporta at pagmamahal ang mga sunod-sunod na pagparangal kay Ka Tapang at ang buong yunit ng mga pulang mandirigma mula sa mga mamamayan ng Negros at pati na rin sa iba’t ibang lugar sa loob at labas ng Pilipinas. Aaralin ng mga susunod na salinlahi ng rebolusyon ang mga abanteng praktika na sinulong at tinaguyod ng yunit ni Ka Tapang at Ka Sanim, at sigurado na sa dadaang mga buwan at taon, may mga bagong buong-giting at buong-tapang na susunod sa yapa nila na magdadala ng mga malalaking pinsala sa hanay ng mga pasista.

Mula sa mga inisyal na nakukuhang impormasyon mula sa masa sa lugar at pati na rin sa mga iba’t ibang gumugulong na imbestigasyon, tiyak na mabubuo ang impormasyon para mapanagot ang berdugong AFP at ang mga mersenaryong aset na naging kabilang sa madugong masaker na ito sa Toboso. Tiyak na maabutan ang mga sangkot ng mahabang kamay ng rebolusyonaryong hustisya.

Ang alaala ng mga martir at dakilang bayani ng sambayanan, Pulang mandirigma man, o mga organisador at lider-masa sa iba’t ibang larangan at sektor, ay dadakilain at aalalahanin ng masa hanggang sa ganap na tagumpay ng demokratikong rebolusyong bayan. Ang kanilang hangarin at mga sinimulan ay tiyak na makakapagbigay ng panibagong lakas sa mga susunod na henerasyon ng mamamayang lumalaban para sa mas maaliwalas at makatarungan na kinabukasan.

Sa kaliwa’t kanan na krisis kung saan kitang-kita na nakakatakas ang mga naghaharing uri tulad ni Ronald “Bato” dela Rosa mula sa pananagutan at kung saan kayang ikutan ng mga burukrata-kapitalista ang hustisya sa pamamagitan ng iba’t ibang mekanismo at panlilinlang, hahantong tayo sa isang panahon kung saan wala nang ibang rekurso ang taumbayan kundi dumulog sa kaniyang tunay na gobyerno at tunay na mga korte ng sambayanan. Banta sa mga mapagsamantalang uri ang mga abanteng praktika sa Negros, Samar, Bicol, Mindanao, at marami pang ibang larangan, sa pagpapagana ng mga tunay na gobyernong bayan. Kaya ngayon ay ubos-kaya nilang sinusubukan wasakin at dungisan ang rebolusyonaryong kilusan at ibaliktad ang katotohanan, subalit mabibigo sila. Isang matingkad na katotohanan at aral mula sa mga karanasan nitong taon ay ang papel ng mga kabataan ngayon ay palakasin at pagagundungin ang matagalang digmang bayan upang matamasa ng mas maraming mamamayan ang binhi ng tunay na demokrasya at kalayaan na matagal nang ipinagkakait sa kanila.

Dakilain ang alaala ng Negros 19!

Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan, ang tunay na hukbo ng sambayanan!

The post Wasto ang Rebolusyonaryong Hustisya, Panagutin ang mga Pasista! Dakilain ang Alaala ng Negros 19! appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.