Bagaman nagluluksa ang mga Pulang mandirigma ng Roselyn Jean Pelle Command-NPA at ang buong rebolusyonaryong pwersa ng Northern Negros, hindi nito isinantabi ang paglulunsad ng mga taktikal na opensiba upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima nga mga anti-sosyal na mga elemento at ng mismong pasistang estado. Sa loob ng halos tatlong linggo matapos ang madugong pagmasaker sa Toboso 19, matagumpay na inilunsad ng RJPC-NPA ang dalawang separadong punitibong aksyon.
Noong Mayo 5, pinatawan ng parusang kamatayan ng rebolusyonaryong kilusan si Jemar Mahusay, 53 anyos na taga Sitio Agbalatuan, Barangay Dolis, Calatrava. Isinakatuparan ang hatol na ito sa mga sumusunod na batayan: (1) pagpatay sa kanyang mismong kapatid; (2) panghohold-up sa mga residente sa erya; (3)pagbabanta na patayin ang kanyang ina; at (4) panghaharas sa mga kababaihan sa lugar.
Noong Mayo 13, sa Barangay Minautok naman ay pinarusahan din si Gerry Baitan, 53 anyos, sa kasong rape sa anak niyang 18-anyos na PWD. Maliban dito ay kilala rin si Baitan na aset ng 79th IB na nakadestino sa Calatrava. Sa partikular, para maabot ang ‘quota,’ pinagtuturo nito ang mga sibilyan bilang mga miyembro ng NPA. Sumasama rin siya mismo sa pagraransak ng mga kabahayan bilang ‘guide’ ng mga berdugong militar.
Ang mga punitibong aksyon na ito ay pagpapakita na mananatili pa rin ang pag-iral ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) dahil sa suporta ng malawak na masang inaapi at pinagsasamantalahan ng mga naghaharing uri. Mula noon hanggang ngayon, tanging ang mga pulang mandirigma lamang ang sinsero na nagproprotekta sa kapakanan at interes ng masang Negrosanon.
Sampal din ito sa mukha ng 79th IB, PNP, at ng NTF-Elcac na parang sirang plaka na sa pagmamayabang na `dismantled’ na ang larangan. Magsisilbi rin itong babala sa kanila at sa mga traydor sa rebolusyon. Hangga’t nariyan ang inhustiya, kahirapan at kagutuman, dadami at dadami ang mag-aarmas at sasampa sa NPA upang kamtin ang lipunang malaya, walang pang-aapi at pananamantala.
The post Mga punitibong aksyon, matagumpay na inilunsad ng RJPC-NPA appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

