Nagtayo ng mga barikada ang mga residente sa Barangay Pacquet at Barangay Kakidugen sa bayan ng Kasibu, Nueva Ecija upang pigilan ang planong eksplorasyon ng kumpanyang North Luzon Mineral Resources Corporation (NLMRC).
Sasaklawin ng eksplorasyon ng kumpanya ang 4,456 ektarya ng lupain ninuno ng mga katutubong Bugkalot/Ilongot sa barangay Pacquet, Biyoy, Dine, Catarawan, Kakidugen at Pao. Ginto at copper ang plano nitong minahin sa lugar.
Noong Mayo 9, itinayo ng mga residente ang barikada sa Barangay Paquet, katabing barangay ng Pao, kung saan isinasagawa ang drilling operations ng kumpanya. Plano ng mga residente na pigilan ang pagpasok ng langis at paglabas ng mga mineral sample mula sa site. Nagtayo ng ikalawang barikada sa Barangay Kakiduge upang harangin nama ang pagpasok ng krudo para sa operasyon.
Noong Mayo 10, naglunsad ng unang pulong sa barikada ng Paquet ang mga residente ng apektadong barangay kasama ang kanilang abugado at mga residente mula sa Sityo Barikada ng Barangay Bitnong, Dupax del Norte upang talakayin ang plano laban Ensa eksplorasyon.
Ayon sa mga residente, nakakuha ang kumpanya ng permit para sa eksplorasyon mula sa Mines and Geosciences Bureau noong Hunyo 25, 2025, kasunod nito ang Certificate of Non-Overlap mula sa National Commission on Indigenous Peoples’ (NCIP). Gayunpaman, nagsimula lamang ang aktwal na paghuhukay noong Nobyembre 2025. Pagsapit ng Enero 2026, gumamit na ang kumpanya ng mga drilling machine na mula sa China. Sa kasalukuyan, may apat na drilling machine sa Barangay Pao.
Napag-alaman din na plano ng kumpanya na maglunsad ng konsultasyon sa mga barangay ng Paquet, Dine, Biyoy, Catarawan, at Kakidugen. Dito lamang nila nalaman na saklaw ng eksplorasyon ang kanilang mga komunidad. Walang binigay sa kanila na kopya para sa eksplorasyon ng kumpanya.
Giit ng mag residente mula sa anim na barangay na dapat ilunsad ang konsultasyon bago aprubahan ang eklsporasyon at paghuhukay ng mga kumpanya. Dadgdag dito, iligal ang pagbibigay ng permit ng NCIP sa kumpanya dahil lupaing ninuno ang sasaklawin ng proyekto kaya’t kailangan itong dumaan sa proseso ng Free, Prior and Informed Consent.
Plano din magtayo ng barikada sa ibang barangay na hindi direktang sakot ng ekplorasyon tulad ng Barangay Mataddi sa Nagtipunan, Quino na maaring daanan ng mga mineral sample palabas o ng suplay ng krudo papasok sa drilling site.
Nananawagan ng suporta ang mga residente para sa kanilang laban. Anila, nangangamba silang sisirain ng mina ang kalikasan at watershed na pinagkukunan ng tubig ng mga komunidad sa paligid.
The post Mga barikada kontra mina sa Kasibu, Nueva Ecija, itinayo sa 2 barangay appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

