Noong Mayo 5, inilunsad ng mga komunidad ng mga Pilipino at progresibong grupo ang pandaigdigang araw ng pagdadalamhati at galit para sa biktima ng pamamaslang ng AFP noong Abril 19 sa Toboso, Negros Occidental na tinaguriang Negros 19. Pinangunahan ang aktibidad ng Bagong Alyansang Makabayan-International at International Coalition for Human Rights in the Philippines sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa US, mula Abril 28 hanggang Mayo 8, inilunsad nila ang isang linggong protesta at paggunita sa buhay ni Lyle Prijoles, ng International Coaliton for Human Rights in the Philippines (ICHRP)-USA Country Council at ni Kai Sorem, isa sa tagapagtatag ng Anakbayan South Seattle. Kabilang sila sa 19 na pinaslang ng militar sa Toboso, Negros Occidental noong Abril 19. Panawagan nila “Kabuhayan, hindi bala! End the criis and suffering of the people!”

Naglunsad naman ng mga aktibidad ang komunidad ng mga Pilipino at aktibista sa University of California, Irvine; Santa Cruz, California; San Francisco, Califoria; Tacoma, Washington; Seattle, Washington; San Jose State Univeristy, California; Los Angeles California; at east Oakland.

Nagprotesta rin ang mga grupo upang kundenahin ang pamamaslang at manawagan para sa panagutin ang AFP at rehimeng US-Marcos. Nagprotesta ang mga grupo noong Abril 25 sa mga konsulado ng Pilipinas sa San Francisco noong Abril 27; Mayo 5 sa New York City at sa Honolulu, Hawaii; Washington; April 28 sa Los Angeles, California; Mayo 1 sa Chicago; Mayo 4 sa Seattle, Washington; at sa harap ng upisina ni Senator Jeff Merkley sa Portland, Oregon upang ipanawagan sa kanya na kundenahin ang pammaslang at manawagan para sa independyenteng imbestigasyon.

Nagpahayag ng pakikiisa at pakikidalamhati ang mga alyadong grupo sa US kabilang ang National Federation of Filipino-American Association Nodutdol, Balikbayan Netherlands, Students for Democratic Society, Palestine Youth Movement, Vets About Face, at Critical Resistance.

Sa Asia, nagdaos ng misa para sa Toboso 19 ang Migrante Hong Kong sa Chater Road, Central District noong Abril 26. Nagpahayag ng pagkundena at pakikiisa ang Japan Coalition of Human Rights in the Philippines, Migrante Japan at Migrante South Korea. Sa South Korea, nagpahayag ng pakikiisa at panawagan ng hustisya ang mga grupo na nagtataguyod sa karapatang-tao, taong simbahan, at kabataan estudyante sa bansa.

Sa Canada, nagprotesta at nagbigay ng petisyon ang mga progresibong grupo sa konsulado ng Pilipinas sa Toronto upang ipanawagan ang hustisya para sa Negros 19. naglunsad din ng vigil sa Calgary City Hall, Alberta noong Mayo 2 at sa Edmonton noong Mayo 3.

Sa Australia, naglunsad ng vigil ang mga progresibong grupo sa Victorian State Library sa Melbourne. Bago nito, dinikitan ng mga panawahan ang pintuan ng konsulado ng Pilipinas sa Melbourne.

Naglunsad din protesta at parangal sa Earl’s Court Station, London noong Mayo 5 ang Bayan United Kingdom.

The post Pandaigdigang araw ng galit at pagdadalamhati para sa Negros 19, ginunita sa iba’t ibang panig ng mundo appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.