Ginunita ng mga Pilipinong migrante ang Pandaigdigang Araw ng Paggawa noong May 1 sa iba’t ibang bansa, sa pangunguna ng mga pambansang demokratikong organisasyon.

Sa Hong Kong, nagprotesta ang balangay ng Migrante sa tapat ng upisina ng Philippine Consulate General upang ipanawagan ang nakabubuhay na sa sahod sa Pilipinas at sa teritoryo.

Sa US, lumahok sa protesta para sa araw ng paggawa ang mga progresibong grupo sa kani-kanilang mga komunidad sa Tacoma, Seattle, New York, Chicago, Los Angeles, San Francisco at Portland.

Sa Chicago, lumahok sa walkout ang mga Filipino-American na estudyante ng University of Illinois, Chicago sa pamumuno ng Anakbayan bilang paggunita sa araw ng mga manggagawa at pagkundena sa marahas pagdetine at deportasyon sa mga imigrante sa US. Nanawagan din sila na kilalanin ang pamantasan bilang sanctuary campus.

Sa Tacoma, nagbigay-pugay ang mga lumahok sa pagkilos kay Kai Sorem, myembro ng Anakbayan at isa sa Toboso 19.

Lumahok din sa lokal na paggunita sa araw ng mga manggagawa ang mga myembro ng Migrante sa South Korea noong Abril 26. Bitbit nila ang panawagan sa hustisya para sa Taboso 19. Naglunsad din ang grupo ng online na talakayan hinggil sa kasaysayan at halaga ng Mayo uno.

Lumahok din sa pagdiriwang ang mga myembro ng Migrante sa Tokyo, Japan; sa Rotterdam, Netherlands; sa London; sa Paris, France; sa Montreal, Canada; sa Rome, Italy at sa Hamburg, Berlin.

The post Mayo 1, ginunita ng mga Pilipinong migrante sa iba’t ibang bansa appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.