Saksi ang sambayanang Pilipino sa buong tapang na pagsisikap ng rebolusyonaryong mamamayan na binibigkis ng NDFP sa pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan tungo sa landas ng tunay na demokrasya at kalayaan.
Ang Artista at Manunulat ng Sambayanan (ARMAS), bilang isa sa mga kaalyadong organisasyon ng NDFP ay handa at buong lakas na isasakatuparan ang hamon ng pagpapalawak ng saklaw ng nagkakaisang prente sa buong bansa para sa ibayong pagpapalakas ng paglaban ng sambayanang Pilipino para baguhin ang sistemang nabubulok sa pamamagitan ng digmang bayan.
Patunay ang 53 taong pakikibaka ng NDFP sa masigasig na suporta at pakikiisa ng malawak na masang Pilipino mula sa iba’t ibang sektor sa pambansang demokratikong rebolusyong pinamumunuan ng Partido Komunista ng Pilipinas.
Ang NDFP kasama ang Partido Komunista ng Pilipinas at New People’s Army ay ang mga sandata ng mamamayang Pilipino upang ganap na mabawi ang kapangyarihan mula sa papet at reaksyunaryong estado at pagtatayo ng bagong gobyernong tunay na demokratiko, tunay na malaya at tunay na nagsisilbi sa mamamayan.
Viva NDFP!
Isulong ang demokratikong rebolusyong bayan hanggang sa tagumpay!
The post Pagpupugay sa ika-53 Anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

