Pinatay ng 52 tauhan mula sa pinagsanib na armadong pwersa ng estado ang isang pamilya sa Alas-as Drive, Barangay Sinunuc, Zamboanga City noong April 23, ala-1 ng umaga sa idineklarang “legitimate police operation.” Binuo ang naturang pwersa ng Joint Task Force (JTF), Regional Intelligence Division 9, Seaborne Unit, Sinunuc Police Station at Mindanao Area Police Intelligence Office.
Namatay sa insidente si Jerry Alfad, 52 anyos, isang barangay lupon, Salam Alfad, 12 anyos at si Rayyan Alfad, 22 anyos, pamangkin ni Salam. Sugatan naman si Mislie Aradais Alfad, 18 anyos, Sayra Alfad, 40 anyos at Saralyn Alfad, 23 anyos at isang SK Kagawad.
Ayon sa mga kaanak, malinaw na binaril ang mga biktima habang nakahiga, batay sa dami at direksyon ng tama ng bala sa kama. Tadtad din ng bala ang buong bahay.
Hugas kamay ang kapulisan. Anito, namataan ang presensya sa naturang lugar ang isang Saddam Siddick, na anila ay isang high-value target at nahaharap sa dalawang kaso ng pagpatay at tangkang pagpatay sa Basilan noong Abril 16 at 19.
Sa kwento ng mga pulis, pagkatapos nilang magpakilala sa mga nasa komunidad, ay pinapatukan sila diumano ng dalawang hindi pa nakilalang mga indibidwal kaya’t gumanti sila ng putok. Nakuha sa labas ng bahay ang isang M16 at isang granada. Naganap ito ang lahat ng ito 1:30 ng madaling araw ng Abril 23 haban naghahain diumano sila ng warrant of arrest. Nangako ang pulis na sangkot sa krimen na iimbestigahan ang insidente.
Nananawagan ang grupo ng mga abogado sa ZamBaSulTa ng buo, walang kinikilingan at indendyente na imbestigasyon sa insidente. Anito, hindi pwedeng ang yunit na naglunsad ng operasyon ang mag-iimbestiga sa krimen. Dapat kumilos at maglunsad ng imbestigasyon ang National Police Commission, Commission on Human Rights at Philippine National Police Internal Affairs Service.
The post Pamilya sa Zamboanga City, pinaslang ng mga pulis appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

