Nagmartsa ang mga grupong pangkalikasan at iba pang organisasyon mula Taft Avenue, Manila patungo sa US Embassy noong Abril 22 bilang paggunita sa Earth Day. Kinundena nila ang rehimeng US-Marcos sa pagpasok nito sa “Pax Silica” at pinananagot sa US at Israel sa panggegera ng mga ito sa Middle East na nagdulot ng malubhang pinsala sa lipunana at kalikasan sa Asia.
Inilunsad ng mga grupo ang panimulang programa sa Taft Avenue at tinapos ito sa kahabaan ng Kalaw Avenue kung saan sila hinarang ng mga pulis.
Ayon sa mga nagprotesta, ang malawakang pagmimina at ang mga proyektong imprastraktura na nagpapalayas sa mamamayan sa mga komunidad at sumisira sa kalikasan ay pinakikinabangan ng mga korporasyong dayuhan at mga kasabwat nila sa pambansang burukrasya. Pinapaboran nila ang pagkakamal ng tubo at walang pakialam sa pagkasira ng kalikasan.
Sa ibang rehiyon, ginunita din ng mga progresibong grupo ang Earth Day.
Sa Camarines Sur, nagpotesta ang mga mangingisda at mamayan ng Calabanga at mula sa karatig na munisipyo sa People’s Park ng Calabanga, Camarines Sur upang kundenahin ang planong wind farm sa San Miguel Bay.
Naglunsad ng fluvial parade ang grupong PAMALAKAYA bilang pagtutol sa mga mapanirang proyektong sumisira sa karagatan, lawa at mga baybayin ng bansa. Bitbit ng mga mangingisda ang panawagang “Walang isda sa patay na lawa”, upang ipakita ang aktwal na kalagayan ng kanilang kabuhayan—unti-unting nawawala dahil sa reklamasyon, dredging, windmill, floating solar farm at malalaking proyektong walang sapat na konsiderasyon sa kalikasan at kabuhayan.
The post Karahasan ng US, kinundena ng mg grupo sa paggunita ng Earth Day appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

