Pinagpupugayan at sinasaluduhan ng lahat ng kasapi ng Makabayang Samahang Pangkalusugan (MSP) ang Pambansa-Demokratikong Prente ng Pilipinas sa pagdiriwang nito ng ika-53 taong anibersaryo simula nang naitatag ito noong ika-24 ng Abril, 1973.

Sumasalamin sa 53 taon ng NDFP ang mapulang kasaysayan ng rebolusyong Pilipino at ang nagpapatuloy na paglaban ng mamamayan para wakasan ang malakolonyal at malapyudal na kaayusan dahil sa tatlong batayang sakit ng ating lipunan–imperyalismong US, pyudalismo, at burukrata kapitalismo. Marami at makabuluhan ang mga nakamit na tagumpay sa pagsusulong ng pambansa-demokratikong rebolusyon dahil sa pagiging matibay na rebolusyonaryong kalasag ng NDFP, pagiging malakas na sandata ng Bagong Hukbong Bayan, at sa matalas na pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas na ginagabayan ng Marxismo-Leninismo at Maoismo. Sa loob ng 53 taon, itinaguyod at binigkis ng NDFP ang pambansang pagkakaisa ng lahat ng rebolusyonaryo, makabayan at progresibong pwersa para sa tunay na kalayaan at demokrasya–para isulong at ipagtagumpay ang demokratikong rebolusyon ng bayan na may sosyalistang perspektiba.

Malinaw sa MSP ang rebolusyonaryong tungkulin nito na ibuhos ang buong lakas nito para ilantad, tutulan, at wakasan ang dominasyon at kontrol ng mga imperyalistang bansa sa pambansang sistemang pangkalusugan sa pangunguna ng US. Bilang bahagi ng NDFP, buong pagmamalaking niyayakap at itinataguyod ng MSP ang 12-puntong programa ng NDFP laluna ang paglalatag ng bagong sistemang pangkalusugan. Kumprehensibo nitong isinusulong ang isang sistemang pangkalusugan na nagtataguyod sa karapatan ng mamamayan sa batayang serbisyo. Kabilang sa mga tinatanaw na mapaunlad ay ang serbisyong pangkalusugan: pagtataguyod ng pangunahing pangangalaga sa kalusugan (primary health care); pagpapaunlad ng mga ospital, klinika, pasilidad, at kagamitang pangkalusugan na may mahusay at akmang teknolohiyang medikal; at puspusang pagsasanay, pagpapaunlad, at pagtatalaga ng tauhang medikal na laan sa kapakanan ng mamamayan na ginagabayan ng diwa at prinsipyo ng paglilingkod sa sambayanan.

Patuloy na aktibong lalahok ang MSP sa pagsusulong ng DRB at walang-kapagurang aabutin ang mga ospital, eskwelahan, at mga komunidad na pagmumulan ng mga rebolusyonaryong pwersang tiyak na tatahakin ang landas ng armadong pakikibaka. Ang MSP ay naninindigan na patuloy nitong gagampanan ang tungkulin na magmulat, mag-organisa, at kumilos sa hanay ng mga manggagawang pangkalusugan, duktor, nars, at iba pang propesyunal gayundin sa mga estudyanteng pangkalusugan. Gagamitin nito ang kaalaman at kasanayan para lalo pang palakasin at ipagpatuloy ang mga nasimulang rebolusyonaryong tungkulin at mga tinatanaw pang tagumpay ng ating rebolusyon.

Sa harap ng tumitinding krisis bunsod ng imperyalistang gyera at paninibasib ng Estados Unidos at ng kasapakat nitong Israel, napakainam ng kasalukuyang pandaigdigan at pambansang kalagayan para kagyat na mas palakasin at palawakin ang paglaban ng sambayanan, sa paglilinaw na ang tanging solusyon sa krisis ay ang armadong pakikibaka at ang pagsapi sa NPA. Tanging sa armadong rebolusyon lamang natin makakamit ang tunay na pagbabago sa sistema na pinaghaharian ng imperyalistang US kasama ang lokal na galamay nitong mga malalaking burgesya kumprador at panginoong maylupa, at mga burukrata-kapitalista. Kailangan nating ibagsak ang paghahari ng rehimeng US-Marcos Jr at mga parasitikong burukrata-kapitalista, burgesya komprador at panginoong maylupa na nagpapayaman at nagpapakatuta sa amo nitong imperyalistang US habang ang mamamayang Pilipino ay nalulubog sa krisis.

Sa pagsusulong natin ng DRB ating tinatanaw ang isang higit na maunlad na lipunan na may ekonomyang nakabatay sa tunay na agraryong reporma at pambansang industriyalisasyon. Atin ding itatayo ang demokratikong gubyernong bayan na tunay na maglilingkod sa interes at magtataguyod sa mga karapatan ng mamamayan.

Wakasan ang daantaon ng kahirapan, kagutuman, at pagkakasakit. Ipagtagumpay ang DRB na may sosyalistang perspektiba!

Imperyalismo, ibagsak!
Burukrata-kapitalismo, ibagsak!
Pyudalismo, ibagsak!

Mabuhay ang ika-53 anibersaryo ng NDFP!
MSP, sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!

The post Digmang bayan ang lunas sa tumintinding krisis! Mga manggagawang pangkalusugan, sumapi sa NPA! Ibagsak ang imperyalismong us, pyudalismo, at burukrata-kapitalismo! appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.