Nagprotesta ang mga grupong Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagulagan (KASAMA-TK), MASIPAG, National Network of Agrarian Reform Advocates-Youth (NNARA-Youth) at iba pang sektor sa harapan ng International Rice Research Institute (IRRI) sa Los Banos, Laguna noong Abril 13 upang kundenahin ang nagpapatuloy na pagpapahirap ng institusyon sa mga magsasaka at hindi makataong paggamit ng lupa ng pamantasan. Ipinagdiwang ng institusyon ang ika-66 taong pagkatatag nito noong Abril 4.
Inilunsad ng mga grupo ang film showing na tumalakay sa kasaysayan ng IRRI at ugnayan nito sa imperyalistang adyenda ng US. Matapos nito ay nagmartsa sila patungo sa tarangkaha ng IRRI.
Anila, huwad ang sinasabing mandato ng IRRI na tugunan ang kahirapan at kagutuman. Ang totoo, ang mga proyektong isinusulong ng institusyon ay atrasado at hindi kayang tustusan ng maliliit na magsasaka. Higit dito, ang mga ito ay nagsisilbi sa interes ng mga multinasyunal at transnasyunal na korporasyon.
Giit ng mga grupo ang pagbasura sa Presidential Decree 1620 na nagbibigay ng malawak na pribilehiyo at kontrol sa IRRI sa mga lupang saklaw nito sa bansa, na taliwas sa interest at karapat ng mga magsasaka.
Tinalakay din sa protesta ang mga isyung kinakaharap ng mamayan, kabilang ang krisis sa langis, pagpapahirap sa neoliberal na mga polisiya sa edukasyon katulad ng 4-day work week at iba pa.
The post 6 na dekadang pagpapahirap sa mga magsasaka ng IRRI, kinundena appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

