Ikinasa ng mga manggagawa sa Kowloon House sa West Avenue sa Quezon City ang kanilang welga noong Abril 15. Tugon ito sa pambabarat ng maneydsment sa negosasyon para sa bagong collective bargaining agreement (CBA) at pagtangging ipatupad ang dagdag-sahod na nakasaad sa nakaraan pang CBA. Bumoto ang lahat ng mga manggagawa dito na ikasa ang welga noong Abril 8. Kinakatawan sila ng ng kanilang unyon na Genuine Labor Organization of Workers in Hotels, Restaurants and Allied Industries (GLOWHRAIN-KMU) – Kowloon House West Chapter sa negosasyon.
Huling alok ng kumpanya ang ₱13 kada araw na dagdag-sahod laban sa giit ng mga manggagawa na ₱25. Ang halagang ito ay bahagi pa dagdag-sahod na napagkasunduan sa kanilang 2020-2022 CBA.
Ayon sa unyon, humigit-kumulang na sa ₱5.5 milyon na hindi naibibigay ng kumpanya na sahod at benepisyo. Liban pa dito ang mahigit ₱500,000 na service charges na dati nang napanalunan ng unyon sa CBA ang hindi pa rin naibibigay.
Agarang kahilingan ng unyon ang makabuluhang dagdag-sahod na P50 at compliance sa P180 dagdag sa nakasaad sa nagdaang CBA; pagpapatupad sa across-the-board wage increase na probisyon sa CBA; makataong kundisyon sa paggawa; at pagrespeto sa unyon.
Sadyang pinatagal ng kumpanya ang negosasyon sa CBA na nagsimula noon pang Agosto 2025. Ipinagkakait nito sa unyon ang financial records ng kumpanya at nagpalit-palit ng mga kinatawan at abugado para barahin ang negosasyon.
The post Welga ng mga manggagawa sa Kowloon House, ikinasa appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

