Kinundena ng Samahan ng Magsasaka at Mamamayan ng Tartaria (SAMATA) ang iligal na pagbabakod ng mga armadong private goons mula sa Jarton Security Agency noong Abril 15 sa Barangay Tartaria, Silang, Cavite. Hinarang ng mga ito ang daanan ng mga magsasaka patungo sa kanilang binubungkal na lupa.

Ayon sa mga residente, walang ipinakitang katibayan ang ahensya upang bigyang matwid ang kanilang operasyon. “Paano na ang aming kabuhayan at kinabukasan ng aming pamilya kung ang mismong daan patungo sa aming pinagkukunan ng hanap-buhay at inaagaw at isinasara?”

Mahigit anim na dekada nang pilit inaagaw ng pamilyang Aguilando, kasabwat ang Ayala Inc, ang nasa 200 ektaryang lupaing Tartaria. Gamit ang notoryus na Jarton Security Agency, naghasik ng takot, nanggipit at nanakit ang mga mang-aagaw ng lupa upang maapalayas ang mga magsasaka.

Parehong ahensya ang ginamit ng Ayala Inc, kasama ang pamilyang Yulo, sa pagpapalayas sa mga magsasaka sa Hacienda Yulo sa Barangay Canlubang, Calamba City.

Nananawagan ang SAMATA sa publiko na maging mapagmatyag at suportahan ang laban ng mga magsasaka sa Tartaria. Dapat ding palayasin ang mga pesteng mang-aagaw ng lupa na Ayala-Aguinaldo at ang armadong Jarton Security Agency sa komunidad.

“Huwag nating hayaang manaig ang dahas at pang-aapi ng malalaking korporasyon at pamilyang mapagsamantala,” ayon sa grupo.

The post Daanan sa Lupang Tartaria, iligal na binakuran ng mga Aguinaldo-Ayala appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.