Nagtipon ang mga grupong sumusuporta sa pakikibakang Palestino sa Acacia Hotel sa Davao City simula ngayong araw, Abril 10, para sa 2-araw na kumperensya ng pakikiisa. Binansagang National Solidarity Conference for Palestine, ipinahayag dito ng mga grupo ang kanilang pagtindig para sa mamamayang Palestino na ngayon ay nagdurusa sa gerang henosidyo ng Zionistang Israel.

Pinangunahan ng League of Bangsamoro Organizations (LBO) ang naturang pagtitipon, kasama ang Handala Project at iba pa tulad ng Mindanao Peoples Caucus at United Bangsamoro Youth. Dumalo sa kumperensya ang mga delegado ng mga grupong maka-Palestinong mula sa Thailand, Sri Lanka, Japan, Malaysia, Indonesia, Maldives, at Turkey. Dumating rin ang ilang kinatawan ng Palestine. Layunin ng kumperensya na talakayin ang kasalukuyang sitwasyon sa Palestine at ang mga pangyayari sa Middle East sa gitna ng gerang agresyon ng US sa Iran.

Binigyang-pansin ni Hashim B. Manticayan, presidente ng League of Bangsamoro Organizations, ang pagkakahawig ng sitwasyon ng Bangsamoro at Palestine, na aniya’y parehong “matagal nang biktima ng agresyon, pagpapalayas, militarisasyon at pang-aagaw ng lupa.

Nagsilbing keynote speaker sa kumperensya ang pangalawang tagapangulo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na si Mohagher M. Iqbal.

Ayon sa mga organisador, bukas ang kumperensya sa lahat ng mga tagasuporta ng Palestine, laluna sa iba’t ibang organisasyon sa Bangsamoro region.

The post Kumperensya ng pakikiisa sa Palestine, isinagawa ng mga grupong Moro sa Davao City appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.