Nananawagan ang Migrante-Middle East ng agarang tulong tulad ng pagkain, gamot at pinansyal na ayuda sa gubyerno ng Pilipinas para sa mga migranteng apektado ng digmaan sa Middle East.

Ayon sa grupo, mula nang pumutok ang gera na sinimulan ng US-Israel laban sa Iran, nagresulta ito sa patuloy na paglala ng krisis sa ekonomiya na pangunahing binabalikat ng mga manggagawang migrante. Tungkulin ng gubyero ng Pilipinas na bigyan ng serbisyo ang mga migrante sa panahon ng sigalot. Nasa 5,000 migrante na ang humiling na umuwi kahit na wala silang trabaho na aabutan sa Pilipinas. Asahan na kung magtutuloy-tuloy ang ganitong sitwasyon ay dadagsa pa magpapatulong para makauwi.

Nasa 2.4 milyon ang Pilipinong migrante ang nakabase sa Middle East. Kalakhan ng mga migrante na nasa sektor ng hotel and restaurant, food and beverage at travel agencies ay nawalan ng trabaho. Maraming hotel sa UAE ay nasa 30% lamang ang operasyon, gayundin ang mga paliparan dahil sa walang turistang pumapasok. Samantala, kinaltas ang sahod ng mga migranteng nagtatrabaho sa mga cleaning agency. Sa halip na nakabatay sa kontrata ang sahod, ibinabatay ito ngayon sa dami ng kliyente at oras ng pagtatrabaho. May ilang kasambahay sa Kuwait, Lebanon, Bahrain, Jordan, KSA, Qatar at UAE ang inabandona na ng kanilang amo na lumikas sa ibang bansa. Meron ding mga pinababalik ng employers sa kanilang mga agency, habang ang ilan ay napipilitang sumama sa mga employers sa malalayong bansa para makaligtas sa digmaan.

Nananawagan ang Migrante-Middle East sa lahat ng migrante na lumahok sa mga pagkilos at ilahad ang kanilang sitwasyon at panawagan.

The post Ayuda para sa mga migranteng nawalan ng trabaho sa Middle East, ipinanawagan appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.