Nakapaglunsad ng limang aksyong militar ang Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Southwest Negros (Armando Sumayang Jr Command) noong Marso. Tatlong operasyong haras at dalawang operasyong dis-arma ang isinagawa nito.
Noong Marso 1, pinaputukan ng hukbo ang detatsment ng 15th IB sa Barangay Haba sa bayan ng Candoni sa Negros Occidental. Nong Marso 9 at Marso 16, pinaputukan ng BHB ang mga sundalo ng 15th IB sa Sityo Patol, Barangay Caliling at Sityo Tagaytay, Barangay Narra, kapwa sa bayan ng Cauayan.
Naisagawa naman ang operasyong pagdis-arma sa mga kontra-rebolusyonaryo at masasamang elemento sa saklaw na erya ng yunit noong Marso 12 at Marso 19. Nakumpiska ng mga Pulang mandirigma ang dalawang armas mula sa mga target nito na napatunayang nagkasala sa mamamayan at sa rebolusyonaryong kilusan.
The post 5 aksyong militar, isinagawa ng BHB-Southwest Negros noong Marso appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

