2 bagong balangay ng Compatriots, itinatag. Iniulat ng Compatriots-NDFP ang pagkakatatag ng mga bagong balangay nito sa Hong Kong at New Zealand noong Marso 29. Itinaon ang asembilya ng pagtatatag sa pagdiriwang ng ika-57 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan (BHB).

100 myembro ng LAB, nagtipon. Ipinagdiwang ng aabot sa 100 myembro ng Liga ng Agham para sa Bayan (LAB) ang kanilang ika-50 anibersaryo at ang ika-57 anibersaryo ng BHB sa isang pagtitipon sa Metro Manila noong Marso. Itinatag ang LAB noong Disyembre 1975.

Kumperensya sa pulitika, idinaos ng KM-DATAKO. Mahigit 80 myembro ng KM-DATAKO ang nagtipon noong Marso para sa panrehiyong kumperensya sa pulitika ng rebolusynaryong mga kabataan at estudyante sa Cordillera. Pagkatapos ng kumperensya, buo at matibay ang paninindigan ng KM-DATAKO na lalo pang magpalakas, magpalawak at sumuporta at sumapi sa BHB. Itinaon ang aktibidad sa anibersaryo ng hukbong bayan.

The post Balitang digmang bayan appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.