Sa harap ng matinding krisis at kagutuman, nanawagan ang Pambansang Katipunan ng mga Mabubukid (PKM) sa masang magsasaka na magkaisa at sama-samang kumilos para ipaglaban ang kanilang mga karapatan at kagalingan.
Ayon sa PKM, sa direktang pagresolba ng danyos ay dapat panghawakan ang pagiging organisado at mapagpunyagi. Anito, dapat kumilos at ugnayan ang mga panggitnang pwersa para sa signipikanteng suporta—para sa pagkain at para maipagpatuloy ang pagsasaka at produksyon. Kaakibat nito, dapat patuloy na singilin ang papet na rehimen sa kawalang kumpensasyon sa danyos bunga ng krisis.
“Sa pundamental, dapat pahinain ang papet na rehimen sa bansa at ang imperyalismong US, sa pamamagitan ng pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan,” pahayag ng PKM. Dapat tugunan ng PKM ang pagpaparami ng mapapasampa sa Bagong Hukbong Bayan at pagsasanay sa mga masang aktibistang magbubukid para sa demokratikong rebolusyong bayan.
Panawagan din nitong kagyat na ipatupad at epektibong pamahalaan ang pagsusulong ng rebolusyong agraryo upang matiyak ang suplay ng pagkain at iba pang pangangailangan ng komunidad. Kailangan ding buuin at irekober ang mga samahang masa at mga komiteng rebolusyonaryo sa baryo, anito.
“Ang tagumpay ng demokratikong rebolusyong bayan, na may sosyalistang perspektiba ang siyang pangmatagalang solusyon at kalayaan sa krisis ng imperyalismo sa buong mundo,” ayon sa PKM.
The post Panawagan sa masang magsasaka: Magkaisa at kumilos! appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

