Isang mapulang pagbati ang ipinapabatid ng Kabataang Makabayan – Balangay John Paul Calica para sa lahat ng kabataan, lalo na sa mga tumungo at tutungo sa kanayunan para isulong ang pambansang demokratikong rebolusyon!
Nitong Marso 29, 2026, sa gitna ng operasyong militar ng pasistang 203rd Infantry Brigade sa Sityo Salafay, Barangay Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro, iligal na dinakip ng 68th IBPA ang kabataang artista at iskolar-lingkod na si Charlize “Ceeka” Garzon. Sa isang desperadong tangka na pagtakpan ang kanilang kabiguan sa naganap na engkwentro sa yunit ng New People’s Army (NPA), pilit na ipinipinta ng militar si Ceeka bilang isang “terorista”.
Si Ceeka ay isang Magna Cum Laude graduate (CSB ’25) at Mutien Marie Wiaux scholar na piniling iwan ang komportableng buhay sa lungsod upang makipamuhay at maglingkod sa mga katutubong Mangyan-Buhid. Ang kaniyang pagtungo sa kanayunan ay hindi krimen kundi isang marangal na pagtugon sa tawag ng paglilingkod. Ang nangyari kay Ceeka ay hindi hiwalay sa mga iba pang kabataan na piniling lumubog sa batayang sektor na ni-redtag, ginawan ng mga gawa-gawang kaso, iligal na hinuli, kinulong, at ang malala pa ay pinatay.
Mariin ding kinukundena ng Kabataang Makabayan – Balangay John Paul Calica ang AFP-PNP, NTF-ELCAC, at ang lahat ng taong bumubuo nito. Hindi lamang dahil sa kanilang mga paglabag sa karapatang pantao, kundi dahil sa kanilang panlilinlang sa taumbayan bilang mga tagapagbigay serbisyo at taga-protekta. Sila ang puwersang ginagamit upang ipataw ang batas militar sa mga komunidad ng Mangyan, puwersahin ang mga katutubo sa sapilitang paggawa, at bigyang-seguridad ang mga mapanirang dam at mina. Isa lamang ang 68th IB sa marami pang mga berdugong walang dangal na bumibiktima sa mga sibilyan.
Kasabay nito, inilalantad din ang sukdulang desperasyon ng estado sa nararanasang panghaharas ng mga kapwa estudyante ni Ceeka na nagtungo sa Mindoro para sumaklolo, gayundin ang pananakot sa kanyang ina, kapatid, at sa mga human rights groups at paralegal. Dito makikita kung paanong hindi talaga para sa taumbayan ang sinasabing serbisyo ng AFP-PNP at ng NTF-ELCAC.
Hangga’t ang mga katutubong Mangyan-Buhid ay ninanakawan ng lupa, hangga’t ang mga manggagawa ay pinagkakaitan ng sahod, at hangga’t ang estado ay gumagamit ng dahas upang panatilihin ang bulok na sistema, mananatiling makatwiran at hindi maiiwasan ang paglaban ng mamamayan.
Ang mga dahilang ito ang higit na nagbibigay dahilan sa mamamayang Pilipino na tahakn ang landas ng armadong pakikibaka. Ipinakikita nito na ang pag-aarmas ay hindi bunga ng pagkakataon, kundi lohikal na tugon sa sistematikong pang-aapi. Ito ang pinakamataas na anyo ng paglaban ng mamamayan upang buwagin ang tatlong ugat ng kahirapan: ang imperyalismo, pyudalismo, at burukrata-kapitalismo. Sa gitna ng tunggalian, mahigpit na tanganan ng kabataang lumalaban na ang digmang bayan ay may sosyalistang perspektiba tungo sa lipunang walang uri.
Hinihikayat ng Kabataang Makabayan Balangay – John Paul Calica ang lahat ng kabataan na tumungo sa kanayunan, tumangan ng armas, at sumapi sa Bagong Hukbong Bayan. Lalo pa nating biguin ang estado at ipakita na tayo ay ‘di pagagapi.
MABUHAY ANG MGA ARTISTA NG BAYAN!
MABUHAY ANG KABATAANG MAKABAYAN!
MULA LUNGSOD TUNGO SA KANAYUNAN, SUMAPI SA BAGONG HUKBONG BAYAN!
MABUHAY ANG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS!
The post Hindi terorismo ang pagsisilbi sa bayan appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

