Tinatayang nasa 8.5 milyong mamamayan mula sa US at Europe ang lumahok sa ikatlong “No Kings” na protesta noong Marso 28. Ang “No Kings” ay isang malawakang pagkilos laban sa pasismo at anti-mamamayang patakaran ng rehimen ni Donald Trump.

Sa protestang ito, kinukundena ng mamamayan ang pag-aastang “hari” ni Trump kung saan ginagawa niya ang kanyang mga nais nang walang pananagutan, tulad ng maka-isang panig na paglulunsad ng gera sa Middle East, marahas na pagtugis ng Immigration and Customs Enforcement ng mga migrante at imigrante, pagbawas sa mga serbisyong panlipunan at pagpapalaki ng yaman ng kanyang pamilya at kasapakat niyang malalaking korporasyon.

Umabot sa 3,100 protesta ang naitala sa 50 estado sa US, 500 ulit na mas marami kumpara sa nakaraaang “No Kings” noong Oktubre 2025. Nasa dalawang milyon din na mas marami ang lumahok. Daanlibong ang lumahok sa mga pagkilos sa New York City, Washington DC, Minnesotall, Chicago, San Francisco, Los Angeles, Nashville, Dallas at Denver. Ilanlibo din ang lumahok sa apat na isla ng Hawaii kung saan tinaguriang “No Dictators” ang protesta. Ilan din sa naglunsad ng pagkilos ang mga konserbatibo na estado tulad ng Idaho, Wyoming, Montana, Utah, South Dakota, Lousiana, Pensylvania, Georgia at Arizona. Sa labas ng US, nagkaroon ng mga protesta laban kay Trump sa France, Portugal, Germany, Italy at Greece.

Kabilang sa lumahok at bahagi sa nag-organisa ng pagkilos ang mga pambansang demokratikong organisasyon sa US at ang Tanggol Migrante Movement.

Sa pagkilos sa Los Angeles, 74 ang inaresto ng mga pulis pagkatapos ng aktibidad at siyam ang inaresto sa Denver matapos marahas na binuwag ng mga pulis ang protesta.

The post Milyun-milyon lumahok sa mga protesta kontra sa rehimeng Trump appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.