Habang malalim na nakaugat sa masa at mataas na nakatanghal ang Pulang bandila, nagpupunyagi ang mga nakababata at nakatatandang kumander at mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan sa landas ng digmang bayan para sa pambansa at panlipunang paglaya. Naaarmasan nang hindi nauupos na rebolusyonaryong optimismo, buong-tatag na pinangingibabawan ng mga mandirigma ng BHB ang kanilang mga pagkakamali at kahinaan sa gitna ng umiigting na kampanyang paglipol at kontra-rebolusyon. Hindi natitinag ang kanilang paninindgan, nakatanaw sila sa hindi mapipigilang pagsikat ng Pulang araw sa silangan.

Sa Marso 29, samahan natin ang ating minamahal na mga Pulang mandirigma sa pagdiriwang sa ika-57 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan. #NPA57 #HukboAtMasaMagkasama

The post Ipagdiwang ang ika-57 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan! appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.