Muling itinindig ng mga residente ng Agora Compound sa Barangay Sto Nino, Marikina City ang kanilang kampuhan noong Marso 14 upang pigilan ang nagbabadyang demolisyon sa kanilang komunidad. Giit ng mga residente, dapat tuparin ng lokal na gubyerno ng Marikina ang pangako nitong relokasyon sa loob ng syudad o in-city relocation.

Ayon sa mga residente, wala silang pinanghahawakan na ligal na dokumento mula sa LGU na magtitiyak na makakakuha sila ng maayos na relokasyon.

Noong Oktubre 15, 2025, nangako ang Marikina LGY ng relokasyon sa Barangay Tumana. Nasa 54 pamilya ang nakaambang mademolis sa Agora-harap, gayundin ang nasa 54 na pamilya sa Agora-garden. Una nang nademolis ang 37 pamilya sa Agora-likod at kasalukuyang nagsisiksikan sa mga tent sa tabi ng Agora compound.

Noong Marso 6, nagtangkang papirmhahin ng pamilyang Bienjiave-Castano ang mga residente sa inihanda nitong joint affidavit para isuko ang kanilang karapatan sa paninirahan para matuloy na ang demolisyon sa kabahayan sa Agora-harap. Sa naturang affidavit, binansagan ang mga grupong Gabriela, Kadamay at Anakpawis bilang “maka-kaliwang grupo” na nakasisira sa “mapalayang paglikas” ng mga residente.

Sa isinagawang final pre-demolition conference sa Marikina City Hall, kapansin-pansin ang presensya ng pwersa ng Philippine National Police sa munisipyo na may layuning sindakin ang mga residente.

Nananawagan ang Gabriela Women’s Party sa mamamayan na suportahan ang laban ng mag residente ng Agora compound.

The post Kampuhan kontra demolisyon, muling itinayo sa Agora, Marikina appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.