Pinaulanan ng bala ng mga sundalo ng 15th IB ang sibilyang drayber na si Gary Jorpo noong Marso 6 ng gabi sa Barangay Tapi, Kabankalan City, Negros Occidental. Nasugatan ang mga paa ni Jorpo dahil sa pamamaril.
Ayon sa mga saksi, pinara ng mga sundalo si Jorpo habang bumabyahe sa sentro ng barangay ngunit hindi tumigil dahil sa takot sa mga sundalo. Dahil dito, basta-bastang binaril ang biktima sa pag-aakalang myembro ng Bagong Hukbong Bayan (BHB).
Hindi pinanagutan ng mga sundalo ang krimen nito kay Jorpo. Nagdulot ang insidete ng matinding takot hindi lamang sa biktima kundi maging sa kanyang komunidad. Dagdag rin sa kanilang pangamba ang nagpapatuloy na operasyong kombat ng 15th IB sa mga barangay ng Tampalon, Tapi at Salong sa syudad.
The post Drayber sa Negros Occidental, sugatan sa pamamaril ng 15th IB appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

