Militateng ginunita ng grupong Gabriela at mga balangay nito sa iba’t ibang prubinsya at bansa ang Pandaigdigang Araw nga Kababaihang Anakpawis noong Marso 8 na may temang “Kababaihan, mangahas na makibaka! VAT Tanggalin! Korap Panagutin!”

Nagdaos ang mga myembro nito, kasama ang iba’t ibang grupong pambansa-demokratiko, ng programa sa Liwasang Bonifacio sa kabila ng hindi pagbibigay ng pahintulot ng lokal na gubyerno ng Maynila. Ginammit ng LGU na dahilan sa pagbabawal ang kuno’York ASEAN Summit Pebrero hanggang Disyembre ngayong taon. Dahil sa paggigiit ng grupo, napilitan ang ang lokal na gubyerno magapliwanag na “hindi nila ipinagkait” ang permit para sa pagkilos.

Sa idinaos na programa, tinalakay ng iba’t ibang grupo ang mga isyu ng kababaihan at epekto ng krisis sa mga sektor na kanilang kinabibilangan. Nagtanghal ang grupong Sining Lila at iba pang grupong pangkultura. Tinapos ang programa sa pagsayaw sa kantang “One Billion Rising” upang irehistro ang panawagan sa pagwawakas sa lahat ng uri sa karahasan sa kababaihan. Nanawagan din sila para sa pagtatanggal sa 12% VAT at pagwawakas sa korapsyon at militarisasyon.

“Ang Marso 8 ay entablado ng kababaihang Pilipinong naghuhumiyaw para sa kagyat na kaginhawaan at tunay na pagbabagong panlipunan! Ito ay araw ng paniningil ng kababaihan sa ninakaw na buwis sa taumbayan! Ito ay araw ng pagpapanagot sa lahat ng sangkot sa malawakang korapsyon sa gubyerno, mula sa baba hanggang sa tuktok!” pahayag ni Clarice Palce, pangkalahatang kalihim ng Gabriela.

Pagkatapos ng programa sa Liwasang Bonifacio, nagmartsa ang kababaihan tungo sa embahada ng US upang kundenahin ang imperyalistang agresyon at pandarambong na labis na nagpapahirap sa milyun-milyong kababaihan sa iba’t ibang dako ng mundo. Pagdating sa Kalaw Avenue ay hinarang ng kapulisan ang mga grupo at sinaktan ang ilang lider kababaihan. Dito nila tinapos ang aktibidad sa maikling programa at pagsunog sa effigy ni Trump, Netanyahu at Ferdinand Marcos Jr.

Sa ibang rehiyon, naglunsad ng protesta ang mga balangay ng Gabriela sa Davao City, sa Carbon Public Market sa Cebu; Legazpi City Public Market sa Albay; Naga City, Camarines Sur; Bacoor City, Cavite at sa Baguio City Public Market sa Baguio City. Naglunsad din ng porum sa Ilo-Ilo City.

Sa ibang bansa, naglunsad ng programa ang Migrante BC sa Vancouver at Gabriela Australia. Nakiisa din ang mga balangay sa paggunita sa pandaigdigang araw ng kababaihan sa kanilang mga bansa tinutuluyan, kabilang ang Pinay sa Holland sa Rotterdam, Netherlands; Gabriela Germany sa Gesundbrunnen, Germany; Pinay sa Quebec sa Tiohtià:ke, Montreal, Canada at ang Bayan Washington sa Tacoma, Washington, US. Sa New York, kasabay ng paggunita sa araw ng kababaihan, nag protesta ang Gabriela USA kasama ang iba pang organisasyon upang kundenahin ang presensya ni Ferdinand Marcos Sr sa syudad. Nagpahayag naman ng pakikiisa ang Gabriela Hong Kong, Migrante France, Migrante Japan, at Migrante Thailand.

The post Kababaihan, tumidig laban sa imperyalismong US sa Pandaigdigang Araw nga Kababaihang Anakpawis appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.