Mainit at mapulang pagbati ang ipinapabatid ng Kabataang Makabayan John Paul Calica sa pagkakatatag ng Kabataang Makabayan Northern Negros-Balangay Emaren Pastidio!

Ang pagpili sa pangalan ni Ka Jandy bilang inspirasyon ng balangay ay isang makabuluhang pagkilala sa buhay ng isang rebolusyonaryong babae na buong tapang na naglingkod sa masa sa kabila ng matinding panunupil ng estado.

Sa pag-alaala kay Ka Jandy, hindi lamang natin pinupuri ang kaniyang sakripisyo—pinagtitibay rin natin ang panata na ipagpatuloy ang laban na kaniyang sinimulan. Ang kaniyang buhay ay patunay na ang kababaihan ay hindi lamang biktima ng pang-aapi kundi mga mandirigma ng pagbabago, matatag na organisador ng masa, at haligi ng rebolusyonaryong kilusan.

Nawa’y magsilbing tanglaw ang kaniyang halimbawa sa bagong henerasyon ng kabataang lumalaban sa Northern Negros. Sa pagkatatag ng balangay na ito, mas pinatitibay ang hanay ng kabataang handang tumindig laban sa pasismo, pyudalismo, at imperyalismo.

Ang dugo at pawis ng mga martir tulad ni Ka Jandy ay hindi masasayang—ito’y magsisilbing binhi ng mas marami pang kabataang mag-oorganisa, maglilingkod sa masa, at mag-aalay ng lakas para sa tunay na kalayaan at hustisyang panlipunan.

Mabuhay ang Kabataang Makabayan Northern Negros – Balangay Emaren Pastidio!
Mabuhay ang mga rebolusyonaryong kabataan!
Mabuhay ang mga rebolusyonaryong kababaihan!

The post Pagbati sa pagkakatatag sa KM-Northern Negros appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.